Ang kuwento tungkol sa tusong katiwala ay isang parabula patungkol sa katiwalang gustong sesantihin ng kanyang amo. Upang may iba pang trabaho ang katiwala kapag nasisante siya ay tinawag niya lahat ng nagkautang sa kanyang amo at ginawan ng kasulatan ang kanilang mga utang ngunit sinigurado ng katiwala na mas maliit na halaga ang nakalagay sa kasulatan kompara sa orihinal nitong utang. Ginawa niya ito upang kung sakali mang masisante siya ay kahit isa man sa kanila ay may kukuha sa kanya dahil sa pabor na ginawa niya sa para sa mga nangutang sa kaniyang amo. Subalit, hindi naman siya sinisante at natuwa pa ang kanyang amo sa kanya dahil sa ulat na kanyang ibinigay.