Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
Pangarap ng karamihan sa ngayon ang magkakaroon ng matiwasay na lipunan dahil ito ang makakatulong upang makamtan ang pagkakaisa .
Kung ihalintulad natin ito sa pagkain, magiging masarap lang ito kung ang recipe ay akma sa klaseng pagkain na lulutuin ganoon din ang matiwasay na lipunan. Masasabi nating matiwasay ito kung akma din ang mga alituntunin nito. Pero ano nga ba ang recipe upang magkakaroon ng matiwasay na lipunan?
Mga halimbawang matiwasay na lipunan o kung sa pagkain ng fruit salad ito ay mga sangkap upang Ito'y sasarap:
1. 5 lata ng kondensadang pagmamahal.
2. 5 lata ng evap na pagtutulungan.
3. Piling ng Saging lakatan sa pakikipag-ugnayan.
4. Buong jar na may tubig ng pag-uunawa.
5. 10 piraso na Apple sa pagiging responsable.
6. Buong Pinya ng mabuting pakikitungo.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa matiwasay ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/22438
Ang mga binabanggit na mga sangkap ay napakalaking tulong upang makamit ang kapayapaan at pagkakaisa ng lipunan. Pero paano nga ba ito gagawin?
Mga dapat gawin ng lipunan o kung sa pagkain ito ay papamaraan upang mabuo ang recipe:
- Ipaghalo 5 lata ng kondensadang pagmamahal, 5 lata ng evap na pagtutulungan.
- Hiwain ang Saging lakatan sa pakikipag-ugnayan.
- Hiwain ng 10 piraso na Apple sa pagiging responsable.
- At hiwain ang buong Pinya ng mabuting pakikitungo.
- Pagkatapos haluin ang lahat ng mga sangkap sa fruit salad o para sa magiging matiwasay na lipunan.
Ang lahat ng mga sangkap na ito magbibigay sarap sa fruit salad at makakatulong upang mapapanatili ang kahalagahan ng kalusugan, sa ibang diwa naman, ganoon din sa matiwasay na lipunan makamtan lamang ang kahalagahan nito kung may pagpapahalaga ang bawat isa at layuning makipag-ugnayan talaga.
Kung kusang susunod ng walang pag-aatubili at magdudulot ng pagkakaisa ay talagang kailangan sundin. Naisin man natin ang pagkakaisa pero kung di rin lahat ang susunod nito ay di talaga ito mangyayari.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkakaisa ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/105008
Ang mga kaparaanang iyan ay talagang makakabuti kung bawat isa ay susunod. Kung paanong makakabuti ang fruit salad sa kalusugan ay ganoon din ang kabutihang maidudulot kung matiwasay ang isang lipunan. Ang tanong na babangon. Madali lang ba ang pagsunod upang akoy isang bahagi din sa matiwasay na lipunan? Oo.
Mga pwedeng gawin:
1. Maging Positibo.
2. Sanayin ang pagsunod sa mga alituntunin.
3. Ugaliing kumonsulta sa mabuting huwaran.
4. Wag magreklamo kung nalilito bagkos magtanong.
5. Wag mag-atubiling tumulong kung kinakailangan.
Ang mga binabanggit na pwedeng gawin ay maaaring makatulong upang sa gayon ay suriing mabuti kung ano ang ikakabuti sa para kapakanan lahat.
Maging mahirap ang pagkakaroon ng matiwasay na lipunan kung negatibo ang pag-iisip dahil iiral talaga ang di mabuting pag-uugali ng isa. Kaya, malaking tulong kung magmasid sa mga bagay na kayang gawin na hindi nakikipag kompetensya sa iba. Ang pagsisikap ng bawat isa sa lipunan na sundin ang mga alituntunin ay malaking tulong tungo sa ikakabuti ng lahat.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa matiwasay na lipunan ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/36665
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.