IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

salawikain tungkol sa kalikasan


Sagot :

Salawikain

Salawikain ang tawag sa mga pahayag na sumasalamin sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Ang mga ito ay kabilang sa tinatawag na mga karunungang bayan. Ito ay karaniwang may sukat at tugma. Karaniwan ding may nakatagong talinhaga. Ito ay ayon sa saloobin ng taong sumulat nito.

Salawikain Tungkol sa Kalikasan:

  1. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
  2. Kung anong itinanim, siya ang aanihin.
  3. Basura mo, tapon mo.

Ang mensahe ng unang salawikain ay kung ano ang pinagmulan ng isang bagay ito rin ang kanyang magiging resulta. Kapag iniugnay natin ito sa kalikasan, maaaring sabihin na kung kasamaan ang ginagawa natin sa ating kalikasan, iyon rin ang ibabalik ng kalikasan sa atin. At kung gagawa tayo ng mabuti para sa kalikasan, mabuti rin ang epekto nito sa atin. Gaya na lamang ng pagtatapon ng basura kung saan - saan na bumabalik sa atin bilang sakunang dulot ng pagbaha at polusyon.

Katulad ng unang salawikain. Kung ang ating itinatanim ay kabutihan para sa kalikasan, kabutihan rin ang ibabalik sa atin. Pero, hindi lamang ito tumutukoy sa literal na pagtatanim. Saklaw din nito ang mga gawain ng tao na may malaking epekto sa kalikasan gaya ng pagputol ng puno, pagpatay at pagbenta ng mga endangered species, at marami pang iba.

Simple at tahasan ang mensahe ng ikatlong salawikain. Ang mga basurang nalikom natin mula sa mga bagay na ating binili ay dapat na responsable nating itapon sa basurahan. Kailangan ng tamang segregasyon ng mga basura. Ihiwalay ang mga nabubulok sa hindi - nabubulok at iresiklo ang mga basurang maaari pang mapakinabangan.

Ano ang salawikain: https://brainly.ph/question/2220729

Ano ang mga halimbawa ng salawikain: https://brainly.ph/question/599946

#LearnWithBrainly