Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

Kahulugan ng pananabik


Sagot :

Kahulugan ng Pananabik

Ang salitang pananabik ay may salitang ugat na sabik. Ito'y tumutukoy sa damdamin ng isang tao. Ang kahulugan nito'y masidhing paghahangad na makamtan ang isang kagustuhan o minimithi. Ito'y maaaring patungkol sa isang karanasan o ideya na pinapangarap na matupad. Maaari rin namang tumutukoy sa tao o bagay na matagal ng hindi nakikita o nakakasama.

Mga Halimbawang Pangungusap

Ating gamitin ang salitang pananabik sa pangungusap upang mas maunawaan ito. Narito ang halimbawa:

  • Walang salita na makapaglalarawan sa aking pananabik na makita at makasama muli ang aking pamilya sa Pilipinas.

  • Ang kanyang pananabik na magkaroon ng malaking salapi ang nag-udyok sa kanya na gumawa ng masama.

  • Ang pananabik ko sa aking mga anak ang dumudurog sa aking puso araw-araw.

Halimbawa ng malalim na salitang Tagalog at kahulugan:

https://brainly.ph/question/2752020

#LearnWithBrainly