Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang fault line ay isang malaking bitak sa lupang ibabaw sa mundo."Fault" is a long crack in the Earths' surface.
Explanation:
Ano ang lindol?
Ang lindol ay isang biglaan, at mabilis na pag-uga ng lupa, na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag pinakakawalan nito ang puwersang naiipon sa mahabang panahon. Mas maraming pwersang naiipon ay mas malakas na lindol ang pwedeng mangyari.
Ano ang kaugnayan ng Fault line sa lindol?
Ang faultline ay isang heograpikal na lokasyon kung saan ay nagmumula ang mga lindol, dahil sa paggalaw ng mga batong nasa ilalim ng mundo (crust).
Ano ang limang malalaking faultline sa bansa?
Sa kasalukuyan ay mayroong limang dominante at aktibong faultline sa Pilipinas. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
- Western Philippine Fault
- Eastern Philippine Fault
- South of Mindanao Fault
- Central Philippine Fault
- Marikina/Valley Fault System
Kamakailan lamang ay niyanig ng malalakas na lindol ang isla ng Mindanao partikular ang katimogang Mindanao. Dahil sa sunod sunod na pagyanig ay nakapagtala ang mga lokal na pamahalaan ng mga buhay na nasawi at milyon-milyong mga nasirang imprastraktura.
Ano ang mga dapat gawin bago ang lindol, habang lumilindol at pagkatapos lumindol?
- Bago ang lindol
- Maghanda ng emergency kit.
- Maghanda rin ng "go bags"
- Kumpunihin ang dapat kumpunihin sa bahay, kagamitan man o parte ng bahay.
- Tiyakin na matibay ang pundasyon ng bahay.
- Lumahok o hindi kaya ay magkusang magsanay para sa lindol sabay ang buong pamilya. Dumapa. Sumilong. Kumapit.
- Habang lumilindol
Kung nasa loob
- Maghanap ng matibay na kagamitan na maaaring pagtaguan. Kung wala ay siguraduhing protektahan ang ulo gamit ang braso at yumukyok sa sulok ng gusali.
- Iwasan ang pagtago malapit sa mga salamin, bintana at panlabas na pinto o anumang bagay na maaaring tumumba sa iyo.
- Kung nasa kama ay manatili sa kama at protektahan ang ulo ng unan, maliban na lamang kung may bagay na maaring mahulog sa iyo mula sa ibabaw.
- Manatiling magtago hanggang sa tumigil na ang pagyanig at ligtas ng lumabas.
- Huwag gumamit ng elevator, sa halip ay gumamit ng hagdanan.
Kung nasa labas
- Manatili sa kinaroroonan.
- Umiwas o lumayo sa mga poste, gusali, puno o anumang bagay na maaaring tumumba sa iyo.
- Pagkatapos ng lindol
- Lumabas sa gusali at bahay kapag tumigil na ang pagyanig.
- Kung kaya ay tulungan ang mga nangangailangan tulad ng mga may sanggol at mga matatanda.
- Pumunta sa ligtas na lugar o sa mga itinalagang evacuation center.
- Asahan ang aftershocks.
- Magmasid sa posibleng tsunami kung nasa malapit sa dagat.
- Makinig sa anunsyo ng lokal na pamahalaan.
#BetterWithBrainly
-----------
Karagdagang impormasyon sa paghahanda sa lindol.
https://brainly.ph/question/682705
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.