IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Ang Mediterranean
Napakarami at iba't iba ang kaugalian, pamumuhay, kultura, at paniniwala ng mga bansa sa Mediterranean. Sa lawak kasi ng lugar na ito, napakarami ng nabuong kasaysayan. Nakabuo sila ng mayamang panitikan dahil dito. Sila ang nakatuklas ng sistema ng pagsusulat.
Ang mga taga- Mediterranean ay naniniwalang sila ang humubog at nagpabago ng lahat ng uri ng panitikan sa buong mundo. Pinaniniwalaang sa kanila nagmula ang maraming akda sa mitolohiya, epiko, nobela at iba pang panitikan.
Ang Panitikan ng Mediterranean
Ang modernong panitikang Mediterranean ay hindi nagkakalayo sa nakaraan. Taglay pa din nito ang impluwensya ng kolonyalismo. Tanyag sila dahil sa kanilang pagkamalikhain. Kabilang sa kanilang natuklasan ay ang sistematikong paraan ng pagsusulat, ang cuneiform.
Ano cuneiform? Basahin sa link na ito: https://brainly.ph/question/120723.
Mga halimbawa ng panitikang Mediterranean:
- Maikling kwento: "Ang Kuwintas" ni Guy de Maupassant (https://brainly.ph/question/205529)
- Nobela: “Ang Kuba ng Notre Dame" ni Victor Hugo (https://brainly.ph/question/182351)
- Mitolohiya: "Cupid at Psyche" (https://brainly.ph/question/125132 )
Ang Pamumuhay ng Mediterranean
Ang pamumuhay ng mga taga-Mediterranean ay nakatuon pangunahin na sa agrikultura. Ito ay dahil sa:
- Ang Mediterranean ay sentro ng kabihasnan kung saan pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay.
- Sa lugar na ito mararanasan ang sapat na pantustos na tubig para sa mga pananim.
Alamin sa link na ito: https://brainly.ph/question/573281 ang heograpiya ng Mediterranean.
Malaking bahagi ng kanilang relihiyosong paniniwala ang pagsamba sa iisang Diyos. Ngunit nababahagi din naman ang rehiyong ito dahil sa ilang pagtangkilik ng Zoroastrianism.
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.