Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Ang Ama Isinalin ni: Mauro R. Avena
Ang kwento ng “Ang Ama” ay tungkol sa isang tipikal na pamilya na maraming anak, martir na may bahay at lasenggerong ama. Dahil sa laki ng pamilya, pangkaraniwan na ang kakapusan. Sa katapusan ng kwentong ipinakita ng ama ang kanyang pagmamahal sa anak sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Ang kanyang pagdadalamhati sa maagang pagkamatay ng anak na si Mui – Mui.
- Ang pagpapakita ng habag sa anak na namayapa.
- Ang desisyon na magbago at maging mabuting ama sa kanyang iba pang mga anak.
- Bumili ng mga pagkain upang ialay sa puntod ng anak na si Mui – Mui.
- Pagdarasal at pagtangis sa pagkamatay ng anak.
Sa kabila ng pagiging matigas ng kalooban ng ama na kung babasahin ay maaaring walang masasalamin na pagmamahal, sa puso niya ay mayroon pa ring pitak para sa kanyang anak na si Mui – Mui. Madalas man siyang galit sa anak dahil sa pagiging iyakin nito, nagdalamhati pa rin siya sa maagang pagpanaw nito. Maaaring ang kanyang pagdadalamhati ay may kahalong pagsisisi para sa ginawang pananakit sa anak dahilan para ito ay masawi sa murang edad. Hindi maitatanggi na gaano man katigas ang loob ng ama ay lumalambot pa rin ito at nagmimistulang mahina pagdating sa anak.
Ang pagpapakita ng habag para sa anak na namayapa ay masasabi kong pagpapakita rin ng pagmamahal para sa anak. Kadalasan, nakakaramdam tayo ng habag kapag ang taong nasasaktan o nasawi ay mahalaga sa atin o malapit sa ating puso. Huli man na ang lahat, batid kong may pagkakataon na pinagsisisihan ng ama ang kanyang mga inasal at ginawa. Hindi man niya masabi ng tuwiran sa harap ng labi ng anak ang kanyang pagsisisi, mahihinuha na hindi niya tuluyang inabandona ang anak sapagkat tumatangis din siya ay tahimik na nagluluksa para sa pagkawala nito.
Ang desisyon na magbago at maging mabuting ama sa kanyang iba pang mga anak ay ang siyang pinaka mabisang paraan ng pagmamahal para sa anak. Ito ay pagbibigay – kabuluhan sa buhay na nawala. Sapagkat siya ang itinuturing na dahilan kumbakit maagang pumanaw ang anak na si Mui – Mui, sinikap niyang makabawi sa kanyang asawa at iba pang mga anak. Ipinangako niya sa sarili na babaguhin ang sarili at ititigil na pang paglalasing upang maging maayos ang kanyang pakikitungo sa kanyang pamilya at matuwid ang kanyang pag iisip. Sa ganitong paraan mas mapagtutuunan niya ng pansin ang pagtatrabaho at ang kanyang pamilya.
Ang pagbili ng mga pagkaing inialay niya sa puntod ni Mui – Mui ay pagpapakita rin ng pagmamahal para sa bata. Sabihin man na huli na ang lahat para ditto, ito pa rin ay pagpaparamdam sa bata na siya ay mahalaga at minamahal ng kanyang ama. Ito na rin ay pagpapatunay na siya ay nakahandang magbago para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng kanyang anak at ikapapalagay ng kanyang pamilya.
Ang pagdarasal at pagtangis para sa pagkamatay ng anak ay paraan din ng pagpapakita ng pagmamahal. Ang pagdarasal para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng kanyang anak na si Mui – Mui ay normal para sa isang mapagmahal na amang tulad niya. Ang pagdarasal para na rin sa kapatawaran ng kanyang nagawang pananakit sa anak at pagiging iresponsable ay tanda rin ng pagmamahal hindi lamang kay Mui – Mui pati na rin sa kanyang buong pamilya.
Upang higit na maunawaan ng kwento ng Ang Ama, basahin ang mga sumusunod na links:
https://brainly.ph/question/120520
https://brainly.ph/question/1498887
https://brainly.ph/question/1955140
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.