IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni venus kay psyche?


Sagot :

Answer:

Naiinggit at nagalit si venus dahil sa kakaibang kagandahan ni Psyche, napabayaan na ng mga mortal na tao ang kanilang pagsamba kay Venus (Aphrodite). Mas nagbigay sila ng atensiyon kay Psyche sa pamamagitan ng mga papuri, regalo, at paghanga. Ayaw ni Venus na malamangan ang kanyang kagandahan kay Psyche, at iyan ang dahilan kung bakit naiinggit si Venus sa kaniya.

Explanation:

Ano ang aksyon na ginawa ni Venus ukol dito?

Mga plano ni Venus kay Psyche:

1. Dahil sa galit niya inutusan niya ang kaniyang anak na si Cupid (Eros) na paibigin si Psyche sa isang tao o nilalang na nakapangingilabot ang hitsura.  

2. Ayaw ni Venus na puro kay Psyche nalang ang atensyon ng mga mortal na tao kung kaya't gusto niya itong mawala.

Para sa karagdagang mga impormasyon tungkol sa buod ng cupid at psyche ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/474525,

Hindi nangyari ang mga plano ni Venus dahil sa halip na iyon ang mangyari, ang anak niya mismo ang napa-ibig kay Psyche ng masilayan ang kagandahan nito. Kaya naman si Cupid ay pumunta kay Apollo dahil nagpatulong para kay Psyche at tinulungan naman ito. Sa kabila naman, ang ama ni Psyche ay gustong magpatulong kay Apollo na hanapan ang kanyang anak ng pangangasawa nito.  

Tinupad ni Apollo ang kahilingan ng hari na bigyan ng mapapangasawa si Psyche at inatasan ang hari na papuntahin si Psyche sa bundok upang makita ang mapapangasawa nito. At nangyaring naasawa nga ni Cupid si Psyche ngunit may naiinggit na naman sa kanya ang kanyang mga kapatid at inatasan si Psyche na patayin ang kanyang asawa dahil halimaw daw ito.  

Sa gabing paslangin na sana ni Psyche ang kanyang asawa habang natutulog ay nagdala siya ng lampara upang makita ang mukha ng asawa nito ngunit laking gulat niya ng nasilayan ang ka-gwapuhan ni Cupid, nagising si Cupid dahil sa langis na nahulog sa kanya mula kay Psyche, agad itong tumakas ng makita si Psyche at ang dala nito.  

Sobrang nasaktan si Psyche at nanghihinayang na hindi na niya makapiling ang kanyang asawa kung kayat ito ay pumunta kay Venus at nagmamakaawa na bumalik si Cupid sa kanya. Dahil nagpapagaling si Cupid ay pagkakataon naman ni Venus na papahirapan si Psyche bago ibigay si Cupid.

Anu-ano ang mga pahirap ni Venus kay Psyche?

Mga pagsubok ni Psyche mula kay Venus:

  • Ang pagsasama sama ng uri ng buto.
  • Pagkuha ng buhok sa mga mababangis na tupa.
  • Pagkuha ng maitim na tubig mula sa mabatong balon.
  • Inatasan siyang kumuha ng kagandahan mula sa reyna ng ilalim ng lupa na si Proserpine.

Para sa karagdagang mga impormasyon tungkol ang mga pagsubok na binigay ni venus kay psyche ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/181656

Ang mga pagsubok ni Psyche ay kanyang nalampasan at natapos niya ang tatlong pagsubok dahil sa pag-ibig niya kay Cupid. At sa bandang huli silang dalawa ay ikinasal.

Para sa karagdagang mga impormasyon tungkol sa ang kwento ni cupid at psyche ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/126532