Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Uri ng Maikling Kwento:
- Kuwento ng katatawanan- ito ay ang uri ng maikling kwento na ang layunin ay mapasaya,mapatawa at maaliw ang mga mangbabasa.
- Kuwento ng pantasya - ito ay isang uri ng maikling kwento na patungkol sa mga mahika ngunit wala namang batayang maka agham.
- Kuwento ng misteryo - uri ng maikling kwento na patungkol sa isang krimen,na sa paunang paglalahad ay walang palatandaan o pagkakakilanlan sa kriminal,ngunit ang kwento ay uusad pabalik at dito makikita ang palatandaan tungo sa paglutas ng krimen.
- Kuwento ng Suspense- kasalungat ng kwento ng misteryo sa kwento ng suspense sa simula palang ng kwentong ito ay alam na ang salarin. Uusad ang kwento kung saan magkakaroon ng tunggalian. At sa katapusan ng kwento ay maghaharapang bida at ang kontrabida.
- Kuwento ng Pag-ibig - ito ang uri ng maikling kwento na umiikot ang mga pangyayari tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.
- Kwentong bayan - dito naman ay inilalahad ang mga kwentong pinag- uusapan sa kasalukuyan ng isang bayan.
- Kwento ng katutubong kulay - dito sa uri ng kwentong ito ay binibigyang diin naman ang kapaligiran,ang mga pananamit ng mga tauhan maging ang uri ng kanilang pamumuhay at hanapbuhay
- Kwento ng tauhan - sa kwentong ito naman ay binigyang diin ang pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang napapaloob sa kwento,o nagsisiganap,upang maunawaan sila ng mga mangabasa.
- Kwento ng Sikolohika- sa uri ng maikling kwento ay ito ang pinakamahirap isulat,kung kaya bibihira lamang na ito ay isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Sa kwentong ito ay ipinadarama sa mga mangbabasa ang damdamin ng isang tao sa mga pangyayari at kalagayan ng tauhan.
Ang Maikling Kwento ay may mga Elemento tunghayan ang mga sumusunod
- Panimula
- Saglit na kasiglahan
- Suliranin
- Tunggalian
- Kasukdulan
- Kakalasan
- WakasTagpuan
- Paksang diwa
- Kaisipan
- Banghay
Noong panahon ng mg Amerikano, Ang maikling kwento ay tinatawag din na DAGLI at ito ang ginagawang libangan ng mga sundalo. Alam nyo ba na ang ama ng Makiling Kwentong Tagalog ay si Deogracias A. Rosario.
Buksan para sa karagdagang kaalaman sa maikling kwento:
brainly.ph/question/495967
brainly.ph/question/1012903
brainly.ph/question/793454
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.