Ito ay isang sanaysay na isinulat ng isang pilosopong Griyego na si Plato. Isa itong pag-uusap ng dalawang tao na sina, Glaucon, ang kapatid ni Plato at ni Socrates na tagapatnubay nito. Inilathala dito ang mga epekto ng kawalan at kakulangan ng edukasyon sa lipunan. Ang kamangmangan ng isang tao at kawalan ng pagnanais upang makita ang katotohanan sa mga dapat mabatid at di-mabatid sa kalikasan ay nagdudulot ng pagkamanipula ng mga pinunong walang likas na pilosopikal na kaisipan. Inihalintulad ni Plato ang mga tao na parang isang tau-tauhan sa isang tabing at isang taong nakakadena at hindi makakakilos.