Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Ang salitang Toothpaste ay mula sa wikang Ingles, Pasamada ang tawag rito sa salin sa wikang Filipino, subalit nakasanayan na ng mga mamamayan ng Pilipinas na ito ay banggitin sa wikang Ingles.
Ang toothpaste o pasimada ay isang malagkit na kemikal na ginagamit kasama ang sipilyo upang malinis ang ngipin gayundin ang loob ng bibig. Ito ay nakakatulong bilang bahagi ng ating kalinisan. Ang mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng toothpaste ay nagtataglay upang makatulong sa pagtatanggal ng plaque o ang dumi na naipon sa mga ngipin. Ang sodium o mas kilala bilang asin at sodium carbonate o mas kilala bilang baking soda ay maaaring ipanghalili sa paglilinis ng ating mga ngipin kung walang toothpaste.
Binubuo ng dalawampu hanggang apat na pung porsyento ng tubig ang isang toothpaste. Ang nalalabing porsyento ay gawa sa mga kemikal na flouride, abrasive at detergents. Sa modernong panahon, maraming uri ng toothpaste ang maaaring mabili sa mga pamilihan. Ang ilan sa mga ito ay nagtataglay ng karagdagang kemikal upang mapanatili ang mabangong amoy ng bibig, ang ilan naman rito ay nagtataglay ng mga kemikal na pampaputi ng ngipin. Anoman ang karagdagang benepisyo ng mga toothpaste na mabibili sa merkado, ang lahat ng ito ay ginawa upang mapanati ang kalinisan ng ating mga ngipin gayundin ang loob ng bibig.
#BetterWithBrainly
Kemikal na katangian ng toothpaste:
https://brainly.ph/question/2150664
https://brainly.ph/question/2449230
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.