Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang pagkakahawig ng kulturang pilipino sa taga-rome ng Cupid at psyche?

Sagot :

Answer:

Isa sa pagkakahawig ng kulturang Pilipino at Rome sa Cupid at Psyche ay ang malinaw na pagpapakita ng hindi pagkakaintindihan agad ng manugang at ng nanay ng napangasawa nito gaya ni Venus kay Psyche. Kadalasan, mayroong ganitong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng asawa ng anak at ng nanay nito dahil na rin sa Pilipinong kultura ng pagiging malapit sa pamilya.

Explanation:

Maliban dito, dahil narin sa pagkakaroon ng agawan o selosan sa pagitan ng manugang at ng mother-in-law sa simula pero katulad ng kwento nina Cupid at Psyche, kalaunan ay nagiging maayos din ang lahat.  

Bakit ngaba nangyayari ang di pagkakasundo ng manugang sa byanan?

Mga maaaring dahilan:

1. Hindi nagugustuhan ang napangasawa ng kanilang anak.

2. Ibat-iba ang kinagisnan ng mga manugang kung kayat hindi angkop minsan ang mga pag-uugali pagdating sa mga byanan.

3. Hindi marunong makitungo ang mga byenan sa mga manugang.

4. Hindi marunong makisama ang mga manugang sa byanan.

5. Walang pakialam ang manugang sa pamilya ng asawa.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa labis ang inggit ni venus kay psyche, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/136403

Mas madalas mangyari ang di pagkaunawaan sa pamilya kung katulad kay Venus ang magiging byenan dahil gusto ay sariling kaligayahan at hindi ang para sa kapakanan ng anak nito. Ang kultura ng Pilipino ay kadalasan bukod ang mga anak sa mga magulang kapag nag-aasawa na ito dahil sa di pagkakaunawaan.  

Mas madalas ding mangyari ang pagbangayan ng pamilya kung magkakasama sa loob ng bahay ang manugang at byenan dahil pag may problema ang kanilang mga anak sa asawa ay nakikisali din ito.  

Anu-ano ngaba ang pahirap minsan ng byenan sa manugang?

Maaaring mangyari:

1. Tinitingnan palagi ang pagkakamali ng manugang.

2. Sinisiraan ang manugang sa asawa nila.

3. Umaasa sa mga manugang pagdating sa mga pangangailangan.

4. Sa halip na tutulungan ang manugang sa mga problema ay minsan naging pabigat pa ito.

5. Hindi makaunawa sa dinaramdam ng manugang.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ang mga pagsubok na binigay ni venus kay psyche, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/181656

Kung ano ang pangyayari na naranasan ni Psyche na naglalarawan sa kultura ng Roma ay ganoon ding ang mga karanasan ng iba dito sa kultura ng Pilipinas. Magugustuhan lamang ng mga byenan ang mga manugang kung nakapasa ito sa kanilang mga kwalipikasyon. Kung magkakasama sa bahay maaaring sang-ayunan lamang ng byenan ang kanilang mga manugang kung nakikita nila itong matiyaga at mapagkatiwalaan, ngunit kung hindi ito nagustuhan, kadalasan ay pinapabukod sila ng bahay.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa wakas ay naging panatag na ang kalooban ni venus na naging manugang si psyche, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/602616