Makakuha ng eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ANO KAHULUGAN NG UMIMBULOG,NAKATINGHAS,TINIGPAS,SUMIBAD,IPINUKOL AT GUSI AT MAGBIGAY NG HALIMBAWA

Sagot :

Gusi - malaking banga na kadalasang pinaglalagyan ng kayamanan
Ang gusi ay nakatago sa ilalim ng lupa.

Sumibad - mabilis na umalis
Bigla na lang sumibad si Ate nang marining ang pangalan ni kuya.

Tinigpas - pinutol gamit ang matalim na bagay
Mabilis na tinigpas ni tatay ang mga maliliit na sanga sa bakuran.

Nakatinghas - nakatinding
Sa tuwing daraan ako sa lugar na ito, laging nakatinghas ang balahibo ko sa likuran ng aking leeg.

Ipinukol- inihagis
Ipinukol niya ng mabilis ang sanga ng kahoy kaya hindi ako nakailag

Umimbulog - lumipad paitaas
Marahang umimbulog ang mga laruang lobo nang mabitawan ko ito.