Ito ay naging salamin ng panitikan ng Pilipinas sa pagsalin-dula tulad ng mga kwentong bayan, alamat, at epiko noong panahon pa ng panitikang katutubo. Ang mga epiko ng pilipinas ay kadalasang tungkol sa mga sabi-sabing tradisyon o di naman kaya'y mga kabayanihang gawi ng mga sinaunang tao o mga kahima-himalang pangyayari. Ang alamat naman ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kaugalian, kultura at
kapaligiran, habang ang mito naman ay kalimitang tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay at ng kasaysayan ng bansa. Katulad ng mitolohiya ng Roma na kadalasang tungkol sa mga ritwal, politika at mga moralidad ng batas ng mga diyos at diyosa ng mga sinaunang taga-Roma.