Ang mga rehiyon sa Thailand ay kinabibilangan ng HilagangThailand, Hilagang-Silangang Thailand, Kanlurang Thailand, Gitnang Thailand, Silangang Thailand at Timog Thailand. Ang interaksiyon ng mga taga-Thailand ay nakadepende sa pangangailangan ng tao na naninirahan sa lugar at sa likas na yaman ng lugar. Kapag marami ang likas na yaman ng bansa, ang mga tao ay nakapokus sa pagpapaunlad nito, kapag kabaliktaran naman ang mga tao ay nakapokus sa pagdiskubre ng iba pang likas na yaman para idagdag sa iba. Ang paggalaw ng mga tao ay kadalasang naaapektuhan ng maraming bagay gaya ng aspetong pamumuhay, pang-edukasyon, pangkultura, pangseguridad o personal na dahilan.