IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga eksperto at kuryusidad. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

Ano ang kasabihan at mga halimbawa nito?


Sagot :

Ang kahulugan ng kasabihan ay ang mga sumusunod:  

  • pahayag na payak, simple, at madaling maintindihan na nagbibigay payo o nagsasaad ng katotohanan patungkol sa tao at buhay  
  • pahayag tungkol sa mga karanasan ng mga tao
  • makaluma at maiksing parirala na nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan ng mga nakararami.  
  • Sa Ingles, ang kasabihan ay saying.  

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kasabihan, maaaring pumunta sa link na ito: brainly.ph/question/986226

Mga halimbawa ng kasabihan:

  1. Kung ayaw mong maghirap, mabuting magsikap.
  2. Ang batang matalino, nag-aaral ng mabuti.
  3. Huwag kang magtiwala sa ‘di mo kakilala.
  4. Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga.
  5. Ang di magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa malansang isda.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa mga halimbawa ng kasabihan, maaaring pumunta sa link na ito: brainly.ph/question/141011

Kasabihan at Sawikain

Maraming nagtatanong kung ang sawikain ba ay kasabihan din at ang sagot dito ay oo at hindi.  

  • Hindi dahil ang kasabihan ay ginagamitan ng mga payak o madaling intindihin na mga salita samantalang ang sawikain ay gumagamit ng mga malalalim o matatalinhagang salita at hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan.  
  • Oo dahil ang kasabihan at sawikain ay parehas na nagpapahiwatig ng sentimiento ng mga tao.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kasabihan at sawikain, maaaring pumunta sa link na ito: brainly.ph/question/1517273