Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

Hahatin ang klase sa apat na pangkat. Isadula ang sumusunod na sitwasyon Harawan
sa pagsasadula kung paano makapagpapakita ng pagkamalikhain ang tauhan
Maraming natirang piraso ng kahoy sa ginawang mesa ng iyong ama. Habang
tumutulong ka sa pagliligpit, bigla mong naisip na malapit na ang kaarawan ng
bunso mong kapatid at ito ay mahilig
maglaro ng laruang kotse Naisip mo siyang
bigyan ng regalo. Ano ang gagawin mo?
2.
Malimit mong naririnig ang mga papuri ng iyong mga kaibigan sa tuwing naririnig
ka nilang kumakanta ng makabagong awitin. Ngunit sa sarili mo alam mo na hindi
ka pa gaanong bihasa sa pagkanta. Ano ang puwede mong gawin upang mapabu
pa ang iyong talento sa pagkanta?
3.
Mahilig kang magsulat ng kuwento bilang libangan tuwing wala kang ibang ginagawa
Nais mong maging isang mahusay na manunulat pagdating ng panahon. Inianunsiyo
sa inyong klase na naghahanap ng mga manunulat na maaaring magbahagi
ng kanilang artikulo para sa pahayagan ng paaralan. Paano mo maipakikita na
karapat-dapat ka sa posisyon?
Tindera sa palengke ang iyong mga magulang kaya't madaling araw pa lang ay
nagpupunta na sila sa palengke at naiiwan ka upang bantayan ang nakababata
mong kapatid. Dahil sa tanghali pa ang pasok mo sa paaralan, halos wala kang
ginagawa tuwing umaga. Gustong-gusto mong pakinabanggan ang libre mong oras
sa umaga. Paano mo ito maisasagawa?​