IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng eksperto. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

Paano maiparadama ang pagkamahabagin sa kapwa?​

Sagot :

Answer:

1. Maipapadama natin sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa mga batang namamalimos sa mga kalye

PAGKAMAHABAGIN

Paano maiparadama ang pagkamahabagin sa kapwa?

  • Ang pagiging mahabagin ay nangangahulugang pagkakaroon ng awa at pagtanggap ng kamalian ng iyong kapwa. Ito ay pagpapatawad.

  • Naipapadama natin ang pagkamahabagin sa ating kapwa sa pamamagitan ng pagtanggap ng kanilang pagkakamali at taos pusong pagpapatawad sa iyong kapwa. Naipapadama natin ito sa ating kapwa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang relasyon sa ating kapwa at hindi pagtatanim ng galit. Kung nakagawa man sila ng hindi kanais nais ay sasabihan pa rin natin sila ng maaayos na salita at kakaibiganin pa rin natin sila. Ganoon natin maipapadama ang pagiging mahabagin. Tulad ng Diyos na pinatawad tayo sa ating mga kasalanan at tinatanggap pa rin tayo kahit tayo ay nakakagawa ng hindi maganda.

_______________

Maikling Bersyon:

  • Naipapadama natin ang pagkamahabagin sa iba sa pamamagitan ng pagtanggap ng kanilang pagkakamali, taos pusong pagpapatawad, at pagkakaroon ng magandang relasyon sa kanila't hindi pagtatanim ng galit. Dahil ito ay tulad ng ginawa ng Diyos sa atin na pinatawad tayo sa ating mga kasalanan at tinatanggap pa rin tayo kahit tayo ay nakakagawa ng hindi maganda.

#CarryOnLearning

Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.