IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang mga sumusunod
na sitwasyon. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong mga kasagutan sa
mga tanong sa bawat talata,
1. Inanunsiyo ng PAG-ASA na may paparating na isang malakas na bagyo.
Habang nakatutok sa pakikinig sa radyo ay inihanda ng batang si Joy
ang lahat ng mga kakailanganin tulad ng emergency kit. Matapos
manalasa ng bagyo ay malaki ang iniwang pinsala nito pero mapalad ang
pamilya niya sapagkat walang nasaktan at walang nasira sa kanilang
tahanan. Ngunit ang bahay ng kaibigan niyang si Nica ay nasira at
wala siyang matuluyan. Kung ikaw si Joy, anong gagawin mo?
2. Nasunog ang bahay ni Elia Vyonne at walang nasalba sa kanilang mga
gamit. Pansamantala silang tumuloy sa isang shelter ng lokal na
pamahalaan. Kung si Elia Vyonne ay kaibigan mo, ano ang maaari
mong maitulong sa kaniya?
3. Ayon sa PHIVOLCS, isang malakas na lindol ang tumama sa lugar nila
Cecilia. Kung kaya't pinapalikas ang lahat ng tao dahil inaasahan na
masusundan ito ng aftershock at posibleng magka-tsunami dahil sila ay
nása baybaying dagat. Ngunit sa kabila nito ay alam niya na walang
radyo at telebisyon ang kapitbahay niyang si Angel. Kung ikaw si Cecilia,
anong gagawin mo?
4. Dahil sa tagal ng lockdown dulot ng pandemya, nawalan ng hanapbuhay
at naubos ang perang ipon ng magulang ni Niño na pantustos sana sa
kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Kung ikaw ay kaibigan ni
Niño, ano ang maaari mong gawin para siya ay matulungan?
are
5. Sa tuloy-tuloy na pag-ulan, ang bahay ng magkakapatid na Reniel at
Ricki na kapitbahay ni Althea ay inaabot ng baha. Nakita ni Althea kung
apal at karami ang putik na iniwanan ng baha sa bahay nila.
please patulong po ngayon na po please



Sagot :

Answer:

1.Papatuluyin ko muna sila pansamantala sa aming bahay ay bibigyan ng kaunting gamit at pagkain.

2.Mag dodonate kami ng Damit na hindi na namin ginagamit o hindi na kasya sa amin at pagkain.

3.Bibigyan namin sila ng Babala o impormasyon kung ano ang maaring nilang gawin.

4.Sasabihin ko sa aking mga magulang na tulungan sila dahil May kaya naman kami.

5.tutulungan ko sila sa paglilinis.

Explanation:

Sana po makatulong