Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

pagsulat ng TAMA O MALI sa patlang.
_____________ 1. Ang naging tugon ng mga Pilipino sa patakarang kolonyalismo
ng mga Espanyol ay iba-iba depende sa hangarin at personal
na motibo sa buhay.
_____________ 2. Kalayaan mula sa pagmamalabis at pang-aabuso ng mga
Espanyol ang isa sa mga dahilan kung bakit nag-alsa ang mga
Pilipino laban sa mga Espanyol.
_____________ 3. Napanatili ng mga kababaihan ang mataas na kalagayan sa
lipunan noong panahon ng mga Espanyol sapagkat sila ay
pinayagang mamuno sa larangang espiritwal.
_____________ 4. Isang naging reaksyon ng mga Pilipino ay ang pagtakas at
pagtira sa bundok upang maipagpatuloy ang kanilang
katutubong relihiyon at pamumuhay.
_____________ 5. Naging epektibo ang pagpapakilala sa Kristiyanismo dahil sa
pagtanggap ng mga Pilipino at pag-angkop sa kanilang buhay.
_____________ 6. Sa pangkalahatan, pagtanggap at pagsunod sa mga alituntuning
Espanyol lamang ang naging reaksyon ng mga katutubo.
_____________ 7. Ang mga pagbabago na ipinatupad ng mga Espanyol tulad ng
reduccion, Polo y servicio, monopolyo ng tabako, tributo at
marami pang iba ang dahilan ng iba’t ibang reaksyon ng mga
Pilipino sa kolonyalismong Espanyol.
_____________ 8. Pantay-pantay ang mga Pilipino at Espanyol sa karapatang
magkaroon ng katungkulan sa pamahalaang kolonyal.
_____________ 9. Namulat ang kamalayang pambansa ng mga Pilipino bunsod ng
mga mapaniil at mapang-abusong patakaran ng mga Espanyol.
_____________10. Sa mahabang panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas masasabing nagtiis at nagsawalang-kibo lang ang mga
Pilipino kaya’t wala silang nagawa para sa Kalayaan.