IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

ano ang epekto ng unang yugto ng kolonyalismo sa ating bansa at sa iyong sarili​

Sagot :

Unang Yugto ng Kolonyalismo: Mga Naging Epekto Nito  Sa Pilipinas at Sa Mga Pilipino

  • Naganap ang unang yugto ng kolonisasyon noong ika-15 hanggang ika-17 na siglo simula nang tayo ay sinakop ng mga espanyol. Bunga ito ng pagsasagawa ng mga taga-europa ng explorasyon para sa paghahanap ng mga bansang mapagkukunan ng pampalasa o kaya mga bansang maari nilang sakupin para sa pansariling benepisyo

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga naging epekto ng unang yugto ng kolonyalismo sa ating bansa at sa mga mamamayan nito:

  • Lumaganap ang kristiyanismo at nag-resulta ito ng malawakang pagbabago sa paniniwala ng mga pilipino, karamihan sa mga ito ay naging kristiyano habang ang iba ay nanatiling maging tapat sa kani-kanilang relihiyon
  • Nagkaroon ng malaking empluwensiya ang lengguwahe ng mga espanyol sa ating wika
  • Nagkaroon ng malaking empluwensiya ang mga espanyol sa ating kultura, paniniwala, at kinaugalian

Mga naging epekto ng unang yugto ng kolonyalismo sa akin bilang mamamayan ng pilipinas:

  • Ako ay naging maka-diyos at lumaking may galang sa magulang
  • Ako ay mayroong pangalan at apelyidong kastila
  • Ako ay may dugong kastila
  • Ang wika na aking ginagamit ay may halong mga salita mula sa lengguwahe ng mga espanyol

#Brainly