Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Ang wika ay isang napakahalagang biyaya na ipinagkaloob sa atin ng Panginoon. Kung walang wika, walang magsisilbing instrumento para makipag-ugnayan sa ating kapwa at pati na rin sa ating dakilang Ama. Malaki ang papel na ginagampanan ng wika sa atin sapagkat nagkakaroon ng pagkakaunawaan at kung mayroong pagkakaunawaan, nagbubunga ito ng magandang samahan at kapayapaan.
Ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang isang wika upang tangkilikin, mahalin at ipalaganap at ito ang WIKANG FILIPINO. Ang pagtangkilik sa ating sariling wika ay sumisimbolo sa pagmamahal sa ating bansa. Nakakahanga nga ang mga taong gumagamit ng salitang Ingles at ikaw mismo sa sarili mo kapag ginamit mo ito ngunit pagdating sa ating bansa dapat ipagmalaki ang ating pagkapilipino. Gamitin natin ang Wikang Filipino. Sapagkat ang paggamit at pagmamalaki nito ay bilang isang tunay na Pilipino!
Pinagbubuklod tayo ng ating sariling wika at ito ang nagiging daan sa ating pagkakaisa. At kung may pagkakaisa, hindi malayong maisulong ang kaunlaran sa ating bansa. Ngunit paanong mayroong pagkakaisa kung sa panahon ngayon, sa kasalukuyan ay tila linisan, iniwan, sinasaktan ang Wikang Filipino! Patuloy na pinapaasa! Kung patuloy ang paggamit ng mga wikang banyaga, mamamatay, mabubulok, mabubura ang ating wika! Ang ating kultura! Ang ating pagkakakilanlan! At higit sa lahat walang diwa o pagkakaisa ang ating bansa. Ngunit paano nga ba natin mapapanatili ang ating wika? Ang ating Wikang Filipino? Ang pinakaepektibong paraan para mapanatili at mapalaganap ang ating wika ay ang PAGMAMAHAL dito. Ang PAGGAMIT dito. Pagmamahal lang sapat na! Hindi tayo iiwan ng ating Wikang Filipino basta't mahalin natin siya ng buong puso! Huwag natin siyang iwan. Dahil kay Wikang Filipino nagmumula ang ating pagkakaisa. Hindi tayo sasaktan ni WIKANG FILIPINO! Hindi niya tayo iiwan! Hindi siya bibitaw! Anoman ang mangyari. Sa ganitong paraan natin maipapakita ang pagmamahal dito at hindi natin ito makakalimutan. Gamitin natin ito araw-araw, gabi-gabi.
Hindi sapat ang ekspresyon, senyas at ingay na ating linilikha para ipahayag ang ating sarili. Sa pamamagitan din ng wika, naipapahayag natin ang ating damdamin. Naipadarama natin ang tindi ng ating galit, ating saya, lalim ng ating lumbay, ang ating mga opinyon at layunin sa buhay at ang kaloob-looban ng ating puso. Dahil sa wika, nagkakaintindihan ang bawat isa. Pinagkakaisa tayo ng wika! Pinagbubuklod tayo ng WIKANG FILIPINO!
Mahalin natin ang ating wika gaya ng pagmamahal na binibigay sa atin ng Diyos! ☺
Explanation:
hope it's help
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.