Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
yang bahay sa Nagtahan. Maynila Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 Basahin ang maikling sanaysay. Sagutin ang mga tanong Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Si Tandang Sora Ang kasaysayan ng bansa ay hindi kailanman mawawaglit sa alaala. Isa si Mechora Aquino sa nagbigay kaganapan sa isang kasaysayan. Si Melchora Aquino ay kilala rin sa pangalang Tandang Sora.. Matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio. Kinupkop niya ang mga Katipunero. Binigyan niya ng pagkain at tirahan ang mga ito. Inalagaan niya ang mga may sakit at sugatan. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata mano matanda, babae man o lalaki. Nalaman ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, kaya't siya ay hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Bumalik lamang siya nang ang Pilipinas ay nasa pamamahala na ng mga Amerikano. Isa siyang matapang na Pilipino. Binabasa ng mga Pilipino ang talambuhay niya at patuloy na babasahin. Babalikan ang isang panahong makasaysayan ng bawat salinlahi. 1. Ano ang tunay na pangalan ni Tandang Sora? A. Melchora Aquino B. Corazon Aquino B. Melchora Arellano D. Corazon Arellano 2. Sino-sino ang mga dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora? A. mga kastila B.mga mandirigma B. mga katipunero D. mga Amerikano 3.Bakit niya tinulungan ang mag katipunero? A. dahil sa kanyang kabutihang loob B. dahil sa kanyang kasipagan C. dahil sa kanyang kayamanan D. dahil sa kanyang kasikatan 4.Saan siya pinatapon ng mga kastila? A. sa Maynila B.sa Marinduque C.sa Malabon D.sa Marianas 5.Kailan siya bumalik ng Pilipinas? A. noong nasa pamamahala na ng Hapones ang Pilipinas В. noong nasa pamamahala na ng Amerikano ang Pilipinas C. noong nasa pamamahala na ng Kastila ang Pilipinas noong nasa pamamahala na ng Arabo ang Pilipinas
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.