Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

Tayain 3
Ang Ating Kapaligiran
Ating tingnan ang ating kapaligiran,
Iba’t- ibang uri ng puno’t halaman.
Dito mga hayop ay naninirahan,
Marami’y di batid sa ‘ting kaalaman.
Sisirin, tuklasin ang kailaliman,
Makita’ng kagandahan ng karagatan,
Perlas, isda at iba pang kayamanan,
Mga tao’y binigyan ng kabuhayan.
Simoy ng hangin, kay sarap maramdaman!
Ang lahat ng puno’y nagsisisayawan
Iba’t ibang ibong nagsisiliparan,
Iyong masisilayan kung saan – saan.
Ngayon, tingnan mo ang iyong kasalanan
Bakit ba kinuha ang di kailangan?
Nang nagmakaawa, siya’y di tinulungan,
Damhin ang bagsik ni Inang Kalikasan.
Panahon na. Kumilos ka, kamag-aaralan!
Tuparin ang tungkuling dapat gampanan!
Kilos at salita, ating pag-isipan.
Bago maglaho ang ating kayamanan.

Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang pamagat ng tula?

2. Ano ang nangyari sa karagatan?

3. Ano ang panawagan ng tula?

4. Sa iyong palagay, maibabalik pa ba ang kagandahan ng ating kapaligiran?

Paano?

5. Ano ang paksa ng tula na iyong binasa. Ibigay sa sariling pangungusap at

isulat ito sa loob ng kahon.