Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

mag bigay nang tag sasampung panitikang popular sa PAHAYAGAN, KOMIKS , MAGASIN, BLOG, DAGLI

Plsss po paki sagot need kopo ​


Sagot :

Answer:

Panitikan

1. Panitikan Tabloid, komiks, magasin,at mga kontemporaryong dagling katha

2. Pahayagan (tabloid) Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura. Ayon kay William Rodriguez, “Sinasabing ang tabloid ay pang-masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang midyum.”

3. Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa bangketa.

4. Iba’t iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o di kaya’y magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa.

5.  Ang TABLOID ay pang-masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang midyum.  Subalit, sa tabloid masyadong binibigyang diin ang tungkol sa SEX at KARAHASAN kaya’t tinagurian itong sensationalized journalism. Ito ay dahil sa katangian na ang magandang balita ay nasa masamang balita.  Mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang nagsicirculate sa bansa.

6. KOMIKS  Ang komiks ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.  Maaring maglaman ng isang diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang makaapekto nang higit na may lalim.

7. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

8.  Komiks- isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.

9.  Sinasabing si Jose Rizal ang kaununahang Pilipino na gumawa ng komiks. Taong 1884 inilathala sa magasing “Trubner’s Record” sa Europa ang komiks strip niya na “Pagong at Matsing”, halaw mula sa isang popular na pabula ng Asya.

10.  Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa bansa magmula nang lumabas ito sa magasin bilang page filler sa entertainment section noong 1920. Halimbawa: Halakhak Komiks (1946) Pilipino Komiks (1949) Tagalog Komiks (1949) Silangan Komiks (1950)