Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

D. Ang kultura ay nakaaapekto sa mga kaugalian ng mga bata, sabi ng dalubhasa sa pag
uugali Pauli Antoine Porquez Genuino, pangulo ng mga kumpanya sa pagsasanay. Kaya
mahalaga na isaalang-alang ang mga karaniwang gawain na karaniwang nakikibahagi sa
mga pamilyang Pilipino. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin ang sagot sa mga
salitang nasa kahon.
malasakit
Pinoy hospitality
Tao pol
paggalang
mapagbigay
Pagmamano
1. Ito ay isang magandang tradisyon ng Pilipino na paraan ng pagbati sa
matatanda kung saan malumanay na kinukuha ang kamay ng nakatatanda at hinahalikan
ito o inilalagay ito noo ng isang tao
2. Bukod sa karaniwang kasanayan ng pagtuktok sa mga saradong pintuan at
paghihintay ng tugon bago pumasok, karaniwang sinasabi ito ng mga Pilipino tuwing
bumibisita sa bahay ng isang tao.
3. Karaniwan sa mga Pinoy na anyayahan ang iba na sumali sa kanila para
kumain sa pamamagitan ng pag-alok sa mga panauhin ng makakain o malinom sa sandaling
dumating sila
4. Isang natatanging kaugalian ng Pilipino ang kusang-loob na pagtulong.
Halimbawa: kung may nahulog na gamit ang isang tao at alam mong marami siyang dala,
pinupulot mo ito o tinutulungan mo siyang ayusin ang gamit nya.
5. Bukod sa paggamit ng "po" at "opo" at sa pagsasanay pagmamano, dapat
ding alalahanin ng mga bata na magbigay daan sa mga matatanda, lalo na sa publiko.​