IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Tugmang de Gulong
Palaisipan o Bugtong
Tulang Panudyo
Pagkakatulad:
- bahagi ng panitikang pilipino at uri ng karunungang-bayan
- nagsisilbing libangan na nagbibigay aliw sa mga tao
Pagkakaiba:
Tugmang de Gulong
→ito ay simpleng paalala o babala sa mga pasahero na maaaring mabasa sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep,tricycle,bus.
Halimbawa:
1.Ang ‘di magbayad sa pinanggalingan,
‘di makakarating sa paroroonan
2.Ang sitsit ay sa aso,
ang katok ay sa pinto,
sambitin ang “para” sa tabi tayo hihinto.
Palaisipan o Bugtong
→ito ay mga suliranin na sumusubok sa talas ng isip ng taong lumulutas nito.
Halimbawa:
1.Ako ay makikita sa gitna ng dagat,dulo ng daigdig at unahan ng globo
Sagot: G
2.Maliit na bahay,puno ng mga patay
Sagot: posporo
Tulang Panudyo
→ito ay maikling tula na ang layunin ay manudyo o mangutya.
Halimbawa:
1.Pedro panduko
matakaw sa tuyo
Nang ayaw maligo
pinupok ng tabo
2.May dumi sa ulo,
ikakasal sa Linggo
Inalis,inalis,
ikakasal sa Lunes
#Carry_On_Learning
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.