IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa maaasahang mga sagot. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:
1. Tinatawag na tekstong impormatib ang mga babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ Pawang impormasyon at katotohanan lamang ang taglay ng tekstong impormatibo at hindi naglalaman ng anumang opinyon o saloobin.
Karaniwang makikita o mababasa ang mga tekstong impormatibo sa mga babasahing tulad ng teksbuk o batayang aklat, magasin, pahina ng balita sa mga pahayagan, encyclopedia, almanac, maging mga sanaysay.
10 Halimbawa ng Tekstong Impormatibo
1. Si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng republika ng Pilipinas.
2. Isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan si Virgilio S. Almario.
3. Tagapangulo rin si Almario, kilala rin bilang Rio Alma, ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
4. Nilagpasan ng ADMU Lady Eagles ang tatlong do-or-die matches bago nila nakaharap ang DLSU Lady Spikers sa championship.
5. Si Elha Nimfa ang itinanghal na ikalawang The Voice Kids grand champion.
6. Sa Lunes ay gagawin ang isang malawakang transport strike bilang pagtutol sa modernisasayon ng mga jeep.
7. Ang tugmang de gulong ay ang mga akdang nababasa sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep, bus, at tricycle.
8. Sekreto raw ni Marie sa kaniyang matataas na grades ang madalas na pagbabasa.
9. Ang kape ay nagtataglay ng caffeine na maaaring makapagpabilis ng tibok ng puso ng tao.
10. Paborito tuwing Pasko ang bibingka at puto-bumbong.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.