IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
pa sagot po
i-heheart ko po maka-answer
at i-brabrainly din po.
(•Ito po yung lesson •)
(Mga epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
(Ika-16 Hanggang Ika-17 Siglo)
Maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano ang naidulot ng
pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya. Ang mga pangyayaring
ito ay naging dahilan ng pagbabago sa pamumuhay ng mga katutubong Asyano sa
iba’t-ibang aspekto mula nang sila ay tuluyang pamahalaan ng mga Kanluranin.
Ang Indian at mga Arabe ay lubhang naapektuhan. Pinakinabangan nang husto ang
mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap bunga nang nagaganap na
Rebolusyong Industriyal na nagdulot ng pagdagsa ng mga kapitalista sa mga
kolonya. Ang mahabang panahon ng pananakop ng mga imperyong Europeo sa Asya
ay naging daan sa pagkakaroon ng mga pamilihang paglalagyan ng mga produktong
galing sa mga bansang mananakop at pagkukunan ng mga hilaw na materyal na
kailangan ng mga bansang mananakop sa pagbuo ng kanilang mga produkto.
Nasanay ang mga Asyano sa paggamit ng mga produktong dayuhan kaya minabuti
ng mga bansang mananakop na maglagay na rin ng mga pabrikang bubuo ng mga
hilaw na materyal na galing sa mga kolonya. Ang natural na kapaligiran ng mga
bansang Asyano ay unti-unting naubos at pinagkakitaan ng mga dayuhan. Malaking
kita at pakinabang ang naibigay ng mga pamilihan sa antas ng ekonomiya ng mga
Europeong bansa ngunit nanatiling nakatali ang ekonomiya ng mga kolonya rito.
Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, at kalsada ang mga mananakop upang
mabilis ang pagpapadala at pagluluwas ng mga produkto.
Dahil dito ay isinilang ang mga Asyanong naging mangangalakal o middlemen
ng mga produkto. Sila ay umunlad sa pamumuhay at nanatiling mga tagapagtaguyod
ng mga batas na nagpatibay sa kolonisasyon Nabigyan din sila ng mga pwesto sa
pamahalaan at ekonomiya kaya naging mahirap ang mga ginawang pag-aalsa ng ilang
mga patriotikong Asyano sa dahilang sila’y hindi sumusuporta sa mga nasabing
kilusan. Nais nilang manatili ang sistemang pinatatakbo ng mga dayuhan, direkta
man o hindi sa pamamagitan nila. Sila ngayon ang nagsamantala hanggang sa )
(
maging mayaman at makapangyarihan sa bansa. Inayos nila ang kalusugan ng
mamamayan kaya nagtayo ng mga ospital para magamot ang mga maysakit at
mabigyang lunas ang mga sakit na laganap bago dumating ang mga mananankop.
Sa pagdating ng mga Kanluranin ang kalagayan ng mga katutubo ay hiwahiwalay na
estado na iba-iba ang namumuno. Nagtatag ang mga mananakop ng isang
sentralisadong pamahalaan, ngunit ang matataas na posisyon ay para lamang sa mga
Kanluranin at ang mbababang posisyon ay sa katutubo. Naalis sa kolonya na
pamahalaanan ang sariling bansa. Ipinakilala ng mga Kanluranin ang kaisipan na
nagbigay ng hindi pagkakasundo ng mga Asyano sa pamamahala. Nagkaroon ng
paghahati-hati ng rehiyon sa mga Kanluraning bansa at nagkaroon ng fixed border o
takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa.
Maging ang mga paniniwala, pilosopiya at pananampalataya ng mga Asyano ay
pinalitan ng mga dayuhan kaya naging mabuti itong behikulo sa kanilang matagal na
pananakop. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo at mga Kanluranin
para makuha ang katapatan ng kolonya. Pinanghimasukan ang tradisyon ng mga
katutubo. Ang mga kaugalian ay nahaluan tulad sa mga pagkain at istilo ng
pamumuhay ay ginaya.
Ang edukasyon ay naging instrumento rin para payapain ang mga Asyanong
naghahangad ng pagbabago sa dahilang ang mga nakapag-aral ay nagdala ng bagong
mga ideolohiya tungo sa pagbabago sa kanilang mga bansa. Ito ang ginamit nila para
makalaya sa kamay ng mga mananakop. Nang matuto nilang ipaglaban ang kanilang
mga karapatan at nagising ang damdamin para sa pagmamahal sa bayan, reporma
ang kanilang sigaw, ang iba naman na mas nakararami ay nagresulta sa pagtatatag
ng nasyon-estado sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga Saligang-Batas o paglago ng
dating bayan na pinanatili ang dating kalingan bago pa dumating ang mga dayuhang
mananakop. Ang liberal na mga kaisipan ay nakatulong sa pagpukaw ng damdaming
makabayan o nasyonalismo sa mga bansang Asyano. Ito ang naging simula ng
pagbubuo pa ng mga kilusang nasyonalismo na naglalayong magpalaya ng mga
bansang Asyano sa kamay ng mga dayuhan. )
