IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
mabibigyan mo ng kahulugan ang mga salita kung ang iyong pagsasalita ay nasa iyong loob pati pagnasasabi mo ang salita n tama at tuwid yun laman po sana po nakatulon :D
Explanation:
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan
1. Bukod sa pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ay may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng salita. Ito ay mabisang paraan upang mapalawak ang talasalitan ng isang mambabasa, tagapanood, o tagapakinig.
2. Ang kahulugan ng mga salita ay makikila ayon sa… 1. Talinghaga at Idyoma Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan. Ito ay mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan. Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid. Katulad din ito ng idyoma. Sa pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang wika.
3. Narito ang halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito. • balat-sibuyas -- maramdamin • basang sisiw -- kaawa-awa;api • buto’t balat -- payat na payat • huling hantungan -- libingan • ikapitong langit -- malaking katuwaan
4. Narito ang halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito. •laylay ang balikat -- bigo • magbilang ng poste -- walang trabaho • magdildil ng asin -- maghirap • mahaba ang pisi -- pasensyoso • pabalat-bunga -- hindi totoo
5. 2. Konotasyon at Denotasyon – Ito ang dalawang dimensiyon sa pagpapakahulugan ng mga salita. Ang denotasyon ay karaniwang kahulugang mula sa diksiyonaryo o salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
6. Halimbawa: a. Ang ganda ng bulaklak sa kanyang halamanan.(bahagi ng isang halaman na karaniwang makulay) b. Lumalaki na ang punong itinanim ko sa aming likod- bahay. (halamang lumalaki nang mataas) Samantalang ang konotasyon ay may dalang ibang kahulugan o maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang kahulugan. halimbawa: a. Maraming magagandang bulaklak na anak si Bulan.(babae) b. Ang kanyang anak ay mababait. Nanggaling kasi sa mabuting puno.(magulang/angkan)
7. 3. Tindi ng Kahulugan o Clining – Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig.
8. Poot (matinding galit na halos gusto nang makapanakit) Suklam (matinding galit sa dibdib na matagal bago mawala) Galit (tumatagal na inis) Inis (tumatagal na tampo) Tampo (munting galit na madaling mawala) Pikon (damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay lamang)
9. 4. Paggamit ng contextual na clue – Ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa pangungusap. Halimbawa: a.Nagliwanag ang paligid sa pasikat ng araw. b.Makitid ang tulay kaya’t mahirap tawirin.
Salamat sa iyong presensya. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.