Suriin ang IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang paksa. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Answer:
#48 Malobos St. Lehena Subd.
Binay City, Negros Oriental
Mahal Kong Ama,
Taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng iyong ginawang sakripisyo para sa akin at sa mga kapatid ko. Ikaw ay naging tunay na gabay sa buhay namin. Ang iyong mga payo ay dadalhin ko lagi habang buhay.
Nagagalak kami na kayo ang aming naging magulang at naging napakabuti niyo sa amin. Naipagmamalaki namin kayo sa mga taong nakakasalamuha namin. At kami ay masaya din na maituro ang mga turong naipamana niyo sa aming magiging pamilya.
Dahil sa inyo, nabuo ang aking pagkatao, naging matatag, at naging marespeto. Salamat sa lahat, mahal kong ama.
Nagmamahal,
Raphael