IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga eksperto at kuryusidad. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
PAGSANG-AYON AT PAGSALUNGAT
Bumuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga salitang hudyat ng pasang-ayon at pasalungat.
KASAGUTAN
Hudyat ng pagsang-ayon
- Iyan din ang palagay ko, nararapat lamang na sa murang edad pa lamang ay mamulat na sila sa alitan na meron ang kanilang mga magulang.
- Kaisa mo ako sa bahaging ipaliwanag sa magkakapatid ang nangyayari noong mga nakaraang araw.
- Totoong nag-alala ang iyong mga magulang sa biglaang mong pagkawala kanina sa palengke.
- Maaasahan mo ako riyan, dadating ako bago ang takdang oras ng paligsahan para suportahan ang ating kaibigan.
- Ganoon nga, nalulungkot ang bata dahil hindi niya makita ang kanyang amang naghahanap buhay.
Hudyat ng pagsalungat
- Hindi ko matanggap ang iyong sinabi na hindi kami ang nanalo sa kagaganap lamang na patimpalak.
- Huwag kang maniwala sa kanyang mga sinabi, ito ay pawang walang katotohanan.
- Maling mali talaga ang kanyang sinabi na walang tutulong sa magkakaibigan sa gitna ng kalamidad.
- Sumasalungat ako sa kanyang suhestiyon sa pagpupulong na naganap kahapon, hindi dapat pagbawalan ang mga bata na makamit ang kalayaan.
- Hindi ako sang-ayon sa kanyang iniulat kanina, hindi magagawa ng kanyang pinsan ang ganoong bagay.
Ang mga naka-bold na parirala o salita sa bawat pangungusap ang ginamit na hudyat.
#BrainliestBunch
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.