Ito ang mga paraan para malampasan ang mga hadlang o balakid sa pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan, ang kabutihang panlahat:
1. Huwag solohin ang mga pakikinabangan sa mga benepisyong hatid ng kabutihang panlahat. Lalo't huwag tanggihan ang dapat na papel o bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit ng tunay na layunin.
2. Isantabi ang indibidwalismo. Hindi dapat naka-focus sa paggawa ng mga makasariling personal na naisin. Dapat iniisip na ang bawat kilos at salita ay makakaapekto sa buhay ng mga tao.
3. Hindi rapat nararamdaman na siya ay nalalamangan sa lipunan o kaya'y nararamdaman na mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba. Tingnan ang sarili kung nagiging mas maayos ba ang mga naikokontribyut sa araw-araw kaysa maging mapagmataas.