Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Answer:
Tinatawag na tekstong impormatib ang mga babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ Pawang impormasyon at katotohanan lamang ang taglay ng tekstong impormatibo at hindi naglalaman ng anumang opinyon o saloobin.
Karaniwang makikita o mababasa ang mga tekstong impormatibo sa mga babasahing tulad ng teksbuk o batayang aklat, magasin, pahina ng balita sa mga pahayagan, encyclopedia, almanac, maging mga sanaysay.
Kapag nakababasa ng isang tekstong impormatibo, mayroon laging nadaragdag na kaalaman sa isang mambabasa.
Explanation:
Source: https://takdangaralin.ph/tekstong-impormatibo/