IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

Magbigay ng isang paglalarawan sa mga sumusunod na mga salita. Isulat sa papel ang iyong sago
1. Sanduguan​


Sagot :

Answer:

Ang sanduguan ay isang ritwal na ginagawa bilang tanda o simbolo ng pagkakaibigan ng magkaibang panig. Maaaring dalawa o higit pang panig ang makakasali sa sanduguan. Dati nang ginagawa ng mga katutubo ang sanduguan bago paman dumating ang mga dayuhan sa ating bansa. Ang mga namumunong Datu o sultan sa bawat barangay ay nakikipagsanduguan sa ibang datu o sultan kung nais nilang pag-isahin ang kanilang mga hukbo. Pinapalawak ng sanduguan ang nasasakupang lupain at tauhan dahil nagsasama na ang dalawang pangkat kung ang dalawang pinuno ay gumawa ng sanduguan.

MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG SANDUGUAN

1.Ihanda ang mga kagamitang kakailanganin, punyal, kopa at alak sa mesa kung saan gaganapin ang sanduguan.

2.Ang mga kasaping datu o sultan o lider ng baranggay o sultanato ay uupo palibot sa mesa kung saan nakalagay ang mga gamit.

3.Lagyan ng alak ang kopa o baso.

4.Isa-isang hihiwain o susugatan ng kasapi ang kanyang bisig gamit ang punyal at ipapatulo ang dugo mula sa sugat patungo sa kopang may alak.

5.Isa -isang iinom ang mga kasapi sa kopang may alak.  

MGA TANYAG NA SANDUGUAN SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS

Bago pa man dumating ang mga dayuhan sa Pilipinas, may sarili ng pamahalaan ang mga Pilipino - barangay at sultanato. Upang palaganapin ang katahimikan at kapayapaan sa bawat lugar, nagkakasundo ang mga pinuno sa pamamagitan ng sanduguan.

Ang unang dayuhang nakipagsanduguan sa katutubong pinuno ng Pilipinas ay si Ferdinand Magellan. Nakipagsanduguan siya sa Rajah ng Limasawa na si Rajah Kolambu bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan. Dahil dito, ginanap ang unang misa sa Limasawa noong ika - 31 ng Marso, 1521 sa pangunguna ni Padre Pedro Valderrama.

Noong ika-7 ng Abril 1521 naman isinagawa ang sanduguan ni Ferdinand Magellan at ng pinuno ng Sugbu (Cebu ngayon) na si Rajah Humabon bilang simbolo ng kanilang pagkakaibigan. Dahil dito, naganap ang kauna-unahang pagbibinyag sa mga katutubo bilang mga Kristiyano. At bilang tanda ng pakikipagkaibigan ng mga Espanyol at tanda ng pagiging ganap na Kristiyano ng mga katutubo, naghandog si Ferdinand Magellan ng imahe ng batang Hesus sa Rajah.

para sa karagdagang kaalaman, buksan ang:

brainly.ph/question/983625

brainly.ph/question/1314028

Explanation: