IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman at mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

bakit muling naganap ang digmaan pandaigdig?​

Sagot :

Answer:

Ang mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang mga sumusunod;

• Pag-agaw ng Japan sa Manchuria

• Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga bansa

• Pagsakop ng Italy sa Ethiopia

• Digmaang Sibil sa Spain

• Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschuluss)

• Paglusob sa Czechoslovakia

• Paglusob ng Germany sa Poland

Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Pag-agaw ng Japan sa Manchuria

       Noong 1931, inagaw ng Japan ang lungsod ng Manchuria. Kinundena ng Liga ng mga Bansa ang Japan dahil mali ang ginawa nito. Kasunod nito ang pagtiwalag ng Japan sa Liga ng mga bansa.

Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa.

       Ang Germany naman ay tumiwalag sa Liga noong 1933 sapagkat ayon sa mga Aleman, ang pag aalis at pagbabawal ng LIga sa pagsasandata ng Germany ay isang paraan ng pag aalis ng Karapatang mag-armas. Matapos tumiwalag, pinasimulan ni Adolf Hitler, lider ng Nazi ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa. Layon ni Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglalagay sa Germany sa kahiya-hiyang Kondisyon. Binalak niyang muli ang pananakop. Bilang sagot ng mga bansa sa paghahanda ng Germany, ang France ay nakikipag-alyansa sa Russia.

3. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia.

          Sa pamumuo ni Benito Mussolini, sinakop ng Italya ang Ethiopia noong 1935. Tuwirang nilabag ng Italya ang Kasunduan sa Liga ( Covenant of the League).

4. Digmaang Sibil sa Spain.

       Nagsimula ang Digmaang Sibil noong  1936 sa pagitan ng Dalawang Panig. Ang dalawang panig ay: Pasistang Nationalist Front at Sosyalistang Popular Army. Nanalo ang mga Nasyonalista. Marami ang nadamay dahil sa pakikialam ng ibang bansa.

5. Pagsasanib ng Austria at Germany

        Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa Germany. Sumalungat ang mga bansang kasapi ng Allied Powers ( Pransya, Gran Britanya, Estados Unidos). Tumutol si Mussolini sa unyon kaya nawalan ng bisa  ito noong 1938. Ito ang kinalabasan ng kasunduan ng Italya at Germany na Rome-Berlin Axis.

6. Paglusob sa Czechoslovakia

           Noong 1938, Hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na pagsisikapan na matamo ang kanilang Autonomiya. Dahil dito, hinikayat ng Inglatera si hitler na magdaos ng pagpupulong. ngunit nasakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta rin sa Germany.

7. Paglusob ng Germany sa Poland.

           Pagpasok ng mga Alean sa Poland noong 1939.

Explanation:

mark me as a brainliest