IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Answer:
Ang Wikang Kastila ay ang opisyal na wika ng Pilipinas noong simula ng pamumuno ng mga Kastila noong mga huling bahagi ng ika-16 na siglo, hanggang sa pagtatapos ng Digmaang Kastila-Amerikano noong 1898. Nanatili ito, kasama ng Ingles, bilang de facto at opisyal na wika hanggang sa inalis ito noong 1973 sa pamamagitan ng pagbabago sa saligang-batas. Matapos ang ilang buwan, muli itong itinalaga bilang opisyal na wika sa pamamagitan ng isang atas ng pangulo at nanatiling opisyal hanggang 1987, nang inalis ng kasalukuyang saligang-batas ang opisyal nitong katayuan, at itinalaga na lamang ito bilang isang opsiyonal o hindi sapilitang wika