IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng eksperto. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

anong pandiwang ginagamitan ng aksyon,karanasan at pang yayari

Sagot :

Ang pandiwa ay maaaring gamitin bilang aksyon, karanasan at pangyayari. Ginagamit ito bilang aksyon kapag may tagaganap o aktor ng kilos.
 Malinaw itong nakikita sa pamamagitan ng panlaping magma, mang, maki at marami pang iba. 
Halimbawa: Kumain si Nene ng mainit na puto.  

Ang pandiwa bilang karanasan naman ay kadalasang naipapahayag kapag may damdamin ang pangungusap at may tagaramdam ng emosyon o damdamin na nakapaloob sa pangungusap.
Halimbawa: Umiyak si Ana ng dahil sa pagkamatay ng alaga.

Ang pandiwa naman bilang pangyayari ay nasasalamin sa aksyong naganap bunga ng isang pangyayari. 
Halimbawa:  Nahulog siya sa kahoy dahil sa lindol