IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at maaasahang mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

Ano ang hanapbuhay sa europa noong gitnang panahon?

Sagot :

Answer:

Panahong Medieval (Gitnang Panahon)

Yugto sa kasaysayan ng Europe na nagsimula noon 500 CE hanggang bandang 1500

Ikasampung Siglo

Humina ang sentralisadong pamamahala ng 'Imperyong Frankish',

Piyudalismo

lumaganap sa kanlurang Europe noong ika-10 siglo nang humina ang sentralisadong pamamahala ng Imperyong Frankish. pinakikita ang "ugnayang politikal" sa pagitan ng mga panginoong maylupa o maharlika

Sistemang Piyudal

Sa ilalim nito, nagroon ng 'kasunduan ang maharlika at ang panginoong maylupa na pagkalooban ang isa pang maharlika ng bahagi ng kaniyang lupain'.

Vassal

Maharlikang tumatanggap ng lupain, na tinatawag na "fief", mula sa isang nakatataas sa lord

fief (kapirasong lupa)

kapalit nito, ang vassal ay magbibigay proteksiyon sa panginoong may lupa at mga ari-arian nito.

Act of Homage

isang seremonya kung saan nangangako ang vassal ng kaniyang katapatan sa panginoong may lupa

Knight

nagpapanatili ng kaayusan noong panahong piyudal, mga mandirigmang Europero na nagtatanggol sa vassal at panginoong may lupa, "malaking karangalan" para sa isang Europeo ang manungkulan bilang isa sa mga ito. tungkulin niyang tuparin ang chivalry.

Chivalry

Sistema ng mga katangian at pagpapahalaga na dapat taglayin ng isang knight. Kabilang dito ang: katapangan, karangalan, pagiging matapang, katarungan, at kahandaang tumulong sa mahihina.

Manor

malaking lupaing pagmamay-ari ng panginoong may lupa, nasa loob nito ang halos lahat ng pangangailangan ng mga naninirahan dito

Manoryalismo

napakikita ang ugnayang ekonomiko sa pagitan ng panginoong maylupa o maharlika at ng mga serf

Serf

magsasaka sa sistemang manoryal. kasama ang kanilang pamilya, sila ay naninirahan sa loob ng manor. ang paninirahan nila sa loob ng mga manor, pagkakaroon ng pagkain at proteksiyon ang nagsisilbing kabayaran sa kanilang paninilbihan sa panginoong maylupa, sila ay nagbabayad ng buwis sa panginoong maylupa at kinakailangan din nilang humingi ng pahintulot sa panginoong may lupa kung nais niyang magpakasal o lumabas ng manor.

Krusada

nabigo ngunit naging mahalagang salik sa pagbabagong-anyo ng kanlurang Europe, pag-unlad ng ekonomiya at panunumbalik ng kaalaman ang panguhin sa mga pagbabagong ito

Agrikultura (Gitnang Panahon sa Europe)

Umunlad ang pagsasaka, paggamit ng araro at pagpapatupad ng three-field system.

Three-Field System

paghati sa sakahan sa tatlong bahagi, tatamnan ang una at ikalawang bahagi ng sakahan at ang ikatlo ay bubungkalin ngunit hindi tatamnan upang mapreserba ang sustansya ng lupa.

Mangangalakal

maram sa kanila ang naging aktibo matapos ang mga krusada

Rutang pangkalakalan mula Kanlurang Europe patungong Silang Europe at Rehiyong Mediterranean

Muling ipinagawa matapos ang krusada

Venice, Pisa, at Genora sa Italy (VGP)

naging sentro ng kalakalan matapos ang mga krusada, kumontrol sa kalakalan sa rehiyong Mediterranean at Flanders

Flanders

kasalukuyang hilagang France at timog Belgium, nagkontrol ng kalakalan sa hilagang Europe

Guild

Noong ika-12 siglo, binuong samahan ng mga mangangalakal at mamumuhunang Europeo na may magkatulad na produktong ginagawa at ipinagbibili. layunin nitong pangalagaan ang kapakanan ng mga kasapi nito at kanilang produkto.

Mga nagawa ng guild

- pagkakaroon ng magkatulad na presyo ng produkto

- pagtatakda ng likitasyon sa dayuhang pangangalakal

- pagpapanatili ng magandang kalidad ng produkto ng mga kasapi nito

fair

nagpasigla sa ekonomiya ng kanlurang Europe sa pagdaraos nito, ito ang tagpuan ng mga mangangalakal at mamumuhunan at lugar kung saan ipinkilala at ipinagbili ang mga produkto.

sistemang barter

limitasyon at pagiging impraktikal nito ang nagbigay-daan sa pagtatatag ng ekonomiyang batay sa salapi

pag-unlad ng mga bayan

nagpanumbalik sa interes ng mga Europeo sa edukasyon

1150

itinatag ang mga unibersidad

unibersidad

pangkat ng mga iskolar na nagkita-kita upang magbahagian ng kanilang kaalaman

Bologna

naging modelo ng mga unibersidad sa timog Europe, nakatuon sa pag-aaral ng abogasya at medisina

Unibersidad sa Paris

naging modelo sa liberal arts at teolohiya