Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Patulong po please kaylangan ko po ngayon ​

Patulong Po Please Kaylangan Ko Po Ngayon class=

Sagot :

Answer:

1. Philippine Organic Act Of 1902 o Batas ng Pilipinas 1902 - Ang batas Cooper o mas kilala sa tawag na batas ng pilipinas ng 1902 ay isang batas na ipinatupad ng Estados Unidos sa pilipinas noong 1902. Ipinagtibay ito noong 2 Hulyo 1902. Ito ay nagtakda ng pagbibigay ng mga karapatan sa malayang pananalita at pagpapahayag, kalayaang huwag mabilanggo dahil sa pagkakautang,pagiging pantay-pantay sa harap ng batas at kalayaan mula sa pagkaalipin.Ayon din sa Katipunan ng Karapatan, dalawang Pilipino na kasapi sa komisyon ang maaaring ipadala bilang kinatawan ng pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos.

2. Philippine Autonomy Act of 1916 o Batas Jones - Ang Batas Jones o ang Philippine Autonomy Act ay ang batas na nagbibigay sa mga Pilipino ng kalayaang magsarili at pangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa pilipinas sa lalong madaling panahon kapag nagkaroon na ang bayan ng isang matatag na pamahalaan. Ito ang pinakamahalaga at pinakamataas na batas ng pilipinas simula nang 1916 hanggang 1935 nang pagtibayin ang Saligang Batas ng lilipinas. Ang Philippine Autonomy Act of 1916 na lalong kilala sa tawag na Batas Jones ay pinanukala ni Kinatawan William Atkinson Jones ng Virginia, U.S.A. at nasabatas noong ika-29 ng Agosto, 1916.Ayon sa preamble ng Batas Jones,babawiin ng USA ang soberanya nito sa pilipinas at kilalanin ang kalayaan ng mga Pilipino makaraang magkaroon ang pilipinas ang isang matatag na pamahalaan.

Explanation:

sana nakatulong ehe :)) if mali po advanced sorry yun lng keepsafe and study well.