Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Japan (Ang Bansang Hapon)
Ang bansang Hapon ay kilala sa bansag na Land of the Rising Sun, bansa ng mga samurai at anime, bansa ng matataas na uri ng teknolohiya at higit sa lahat bansa ng makukulay at magagandang kultura at mga ritwal. Ang bansang ito ay isang napakamisteryong lugar lalo na sa kultura at sa mga atraksiyon.
Ang limang tema ng heograpiya ng bansang Japan:
1. Lokasyon:
Ang bansa ay matatagpuan sa volcanic zone ng tinaguriang Pacific Ring of Fire kaya nakakaranas ito ng malakas na lindol. Ang tiyak na lokasyon (absolute location): Ito ay may tiyak na loksayon na nasa pagitan ng 36°00′N 138°00′E.
Ang kaugnay na lokasyon (relative location) :
Ang Japan ay isang bansang isla sa baybayin ng China, na matatagpuan sa Silangang Asya.
2.Lugar:
Dahil isang isla ang bansa, ang pangingisda at mga lamang dagat ay naging malaking bahagi sa lipunan pati na sa ekonomiya ng bansa. Kapag ang mga tao ay nakaisip kg sushi, ang likhang Japan ang nasa isip nila. Ang mga Hapon, ay halatang may katangian ng mga taong Asyano, kayumanggi ang balat, maitim na buhok at iba pa. Sila ay maasahan at may mataas na kasanayan sa pandaigdigand paglago ng teknolohiya. Ang kompanyang Sony, Toshiba, Fuji, Honda, Toyota, Mitsubishi,at iba pa ay nagsimula sa bansang Japan.
3.Galaw:
Japan ay sikat para sa "bullet train", isa sa pinakamabilis na tren sa mundo. Libo-libong mga tao na gumagamit nito araw-araw upang libutin ang mga pangunahing isla sa bansa. Ang Japan ay nakaimpluwensya ng malaki sa mundo sa pamamagitan ng kanilang mga teknolohiya pati na rin ang kanilang mga uso. Ang mga teknolohikal na paglago at uso ay mabilis na kumalat sa buong mundo.
4.Interaksyon ng tao sa Kapaligiran:
Ang lupain ng bansa ay bahagyang mabundok ngunit, natutong umangkop ang mga tao sa anyo ng mga lupaing ito.Ang bansa ay nakaharap ng mga suliraning pangkapaligiran kagaya ng pagputok ng bulkan, tsunami, lindol at bagyo.
Ang malalim at ang pinanghahawakang tradisyon ng Japan ay napakaimportante sa bawat mamamayan.
5.Rehiyon:
Ang bansa ay hinati sa walong rehiyon ito ay ang Hokkaidō, Tōhoku, Kantō, Chūbu, Kansai, Chūgoku, Shikoku, at Kyūshū. Ang panahon ng mga lugar ay magkakaiiba. Maraming negosyo at institusyon ang makikita sa bawat rehiyon. Ginagamit ang pangalan ng bawat rehiyon na parte sa mga oangalan ng bawat mamamayan sa bansa.
Relihiyon ng Bansang Japan ay ang Shintoismo Ito ay ang matandang relihiyon ng mga hapon na nagbibigay-diin sa natural na pagkakasunod sunod ng mga bagay at ang paghikayat na tanggapin ang pagkakasunod sunod na ito.Ito ang pinaniniwalaang nagbigay ng kakayahan na mabalanse ang makaluma at makabago o moderno.
Para sa iba Pang impormasyon maari rin magpunta sa;
Edukasyon ng japan https://brainly.ph/question/1740710
Naitulong ng japan sa pilipinas https://brainly.ph/question/1228331
Anu ano ang mga lugar sa japan https://brainly.ph/question/615236
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.