IDNStudy.com, ang iyong platform para sa mga sagot ng eksperto. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

SAAN NAGKAMALI SI LUIS
Masama ang pakiramdam ni Luis nang dumating galling paaralan. Pagkatapos ng
hapunan, nagsimula siyang bumahing at nahirapang huminga dahil sa baradong ilong. Agad
siyang kumuha ng gamot mula sa lagayan at ininom ito nang hindi na binabasa ang label.
Pagkalipas ang isang oras, sa halip na bumaba ang lagnay at mawala ang sipon ay lalo
pa itong lumala. Naglitawan din ang maliliit na pantal sa katawan na may kasamang
pangangati. Nang dumating ang kanyang nanay, nabahala ito sa kalagayan ni Luis. Nagpasya
ang kanyang nanay na dalhin siya sa pinakamalapit na pagamutan.
Pinayuhan ng doctor ang mag-ina na siguraduhing di pa lipas ang gamot na iinom, at
lagging nasa patnubay ng nakatatanda. Binigyan ng doctor si Luis ng tamang gamot at panuto
sa pag-inom para sa kanyang karamdaman.
Mga Tanong:
1. Ano ang nagging sakit ni Luis?
2. Para saan ang ininom niyang gamot?
3. Ano ang nangyari sa kanya?
4. Ano ang mali sa ginawa ni Luis?
5. Ano sa palagay ninyo ang dapat niyang ginawa?​


Sagot :

ANSWER:

1. Bumabahing siya at nahihirapang huminga dahil sa baradong ilong.

2. Hindi natin alam, kasi hindi man lang niya binasa ang label ng gamot na kanyang ininom.

3. Lumala ang kanyang kalagayan at nagkaroon siya ng pantal sa katawan na may kasamang pangangati.

4. Hindi niya binasa ang direksiyon ng gamot na kanyang ininom.

5. Suriin mabuti ang gamot bago ito inomin, dahil malubha talaga ang epekto pag-hindi natin susundin ang panuto ng gamot.

#CarryOnLearning

Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.