Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.
Sagot :
Answer:
[tex]\sf\pink{{\: PANUTO:}}[/tex]
[tex]\tt{{Gawain\:4:}}[/tex]
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng teksto at sagutin ang mga gawain sa ibaba.
============================
Buwan palang ng Marso ay ramdam na ang epekto ng pagkalat ng Covid-19. Tumagal ang "Lock Down" sa Metro Manila at marami pang lugar sa Pilipinas ng ilang buwan dahil sa paglaki ng bilang ng mga taong nagkakasakit. Pagdating nang Abril at Mayo, bagamat may ayudang nagmumula sa gobyerno ay marami na ang dumaraing sa hirap ng buhay na nararanasan dahil marami ang nawalan ng trabaho ng magsara ang mga establisemyento. Medyo niluwagan ang mga bantay sa mga "check point" at nagbukas ang ilang mga tindahan noong buwan ng Hunyo ngunit hindi ito naging sapat para mabawasan ang hirap na dinaranas ng nakakarami. Nang sumapit ang buwan ng Oktubre ay hindi ka pa rin makakapunta sa mga pamilihan kung wala kang suot na "face mask" at "face shield. 'Dalangin nga ng lahat na sana matapos na ang pandemyang ito.
============================
[tex]\sf\pink{{\: PANUTO:}}[/tex]
A. Panuto: Bumuo ng 5 katanungan na maaaring makatulong kung muling isasalaysay ang nilalaman ng teksto. Gamitin ang mga panghalip/pang-abay na pananong na: Sino, Ano, Kailan, Saan, Bakit, Paano. (5 puntos) Isulat sa sagutang papel.
[tex]\sf\pink{{\: KASAGUTAN:}}[/tex]
- Bakit tumagal ang lock down sa Metro Manila?
- Saan nagmumula ang mga ayada?
- Bakit maraming tao ang dumaraing sa hirap ng buhay?
- Bakit nagsara ang mga establisemyento?
- Ano ang kailangang suotin kapag pupunta ng pamilihan?
[tex]\sf\pink{{\: PANUTO:}}[/tex]
B. Panuto: Bumuo ng (10) pangungusap. Isulat ang mga mahahalagang pangyayari sa iyong buhay. Lagyan ito ng petsa at wastong bantas. (5 puntos).
[tex]\sf\pink{{\: KASAGUTAN:}}[/tex]
Ika-2 Abril, 2021
Ngayong pandemya ay maraming dumaranas ng kahirapan ngunit sa kabila nito ang aming pamilya ay hindi nakakaranas nito kaya laking pasasalamat ko sa Diyos na ginagabayan niya kami. Nagagawa pa rin naming makakain ng 3 o higit pa sa isang araw. Ang aking nanay ay hindi nawalan ng trabaho at mayroon pa siyang inaasikasong business kasama ang aking tatay. Noong nagsimula ang lock down ni isang beses ay hindi namin naranasan na magutom, maputulan ng kuryente at tubig. Sa kabila ng mga nangyayari ngayong pandemya ay nagagawa pa rin naming ngumiti dahil sa kasama namin ang Diyos dahil patuloy kaming nananalig sa kanya na mawala na ito. Ang aking pinsan ay may trabaho pa din at hindi siya kasama sa natanggal sa kanilang pinagseserbisyohan. Ngayon kami ay nagagawa naming magkapatid na makapag-aral sa kabila ng lahat ng ito. Ang aking tatay naman ang kaniyang pinagkakaabalahan ay ang business namin at ang pag-aalaga sa aming magkakapatid. Ang aking mga kamag-anak sa mga probinsiya ay maayos naman ang kanilang pamumuhay. Masaya ako na kahit na may pandemya ay nagagawa naming makaahon sa lahat ng hirap na dinanas.
[tex]\sf\pink{{=\:Karagdagang\: Impormasyon}}[/tex]
Buksan ang mga sumusunod na link para sa mga karagdagang impormasyon;
∆ Kahulugan ng panghalip;
https://brainly.ph/question/444199
∆ Kahulugan at halimbawa ng pang-abay;
https://brainly.ph/question/10205
[tex]{\boxed{\boxed{\sf\pink{Hope\:it\:helps!<3}}}}[/tex]
#CARRYONLEARNING
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.