IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
Answer:
Ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 ang kasalukuyang Saligang Batas ng Pilipinas na pinagtibay sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Corazon Aquino. Ito ang pumalit sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973 na pinagtibay noong panahon ni Ferdinand Marcos.
Kasunod ng Rebolusyong EDSA ng 1986 na nagpatalsik kay Ferdinand Marcos at kasunod ng kaniyang pasinaya, ipinahayag ni Aquino ang Proklamasyon Blg. 3 noong Marso 1986 na nagdedeklara ng pambansang patakaran upang ipatupad ang mga repormang ipinanukala ng mga tao, mangangalaga ng kanilang mga pangunahing karapatan, pagtanggap ng isang pansamantalang saligang batas at pagbibigay ng maayos na salin sa isang pamahalaang nasa ilalim ng bagong saligang batas. Proklamasyon Blg. 9 na lumilikha ng isang komisyong konstitusyonal (na pinaikling "Con-Com") upang ibalangkas ang isang bagong saligang batas na magpapalit sa Saligang Batas ng 1973 na ipinatupad noong panahon ng batas militar sa ilalim ng rehimeng Marcos. Humirang si Aquino ng 50 kasapi sa komisyon. Hinugot ang mga kasapi nito mula sa iba't ibang mga larangan kabilang ang ilang mga dating mambabatas, ang dating Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na si Roberto Concepcion, isang obispong Katoliko, at ang direktor ng pelikulang si Lino Brocka. Si Aquino ay sadyang humirang din ng 5 kasapi nito kabilang ang dating Ministro ng Paggawa na si Blas Ople na dating kaalyado ni Marcos hanggang sa pagpapatalsik dito. Pagkatapos magtipon ang komisyon, hinalal nitong pangulo si Cecilia Muñoz-Palma na nakilala bilang pangunahing tauhan sa oposisyong laban kay Marcos kasunod ng pagreretiro ni Muñoz-Palma bilang unang babaeng kasamang mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas.
Explanation:
sana makatulong po.
Answer:
dahil ito sa saligang batas ng ng pilipinas noon 1987
Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.