Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Tatlong Dalian train sets na ang umarangkada sa linya ng Metro Rail Transit (MRT-3) ngayon araw, ika-7 ng Setyembre 2020.
Kasabay ng mga bagong panukalang isinusulong ng Kagawaran ng Transportasyon sa lahat ng pampublikong transportasyon bilang pagtugon at labanan ang COVID-19 disease, ay ang mga magandang pagbabago sa linya ng MRT-3.
Isa na rito ang pagdagdag ng mga bagon na tumatakbo upang mas maging mabilis ang waiting interval sa pagitan ng mga tren. Nagsimula nang tumakbo ang mga Dalian train sets na binili noon mula China, matapos ang ilang taong paghihintay ng taumbayan para magamit ito.
Matatandaan na idinaan ang mga Dalian trains sa masusing Reliability, Availability, Maintainability at Sustainability (RAMS) Validation Test upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga pasahero.
Sa pangunguna ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, nakipag-usap ang national government sa supplier ng mga bagon, at malugod na tinupad ng CCRC Dalian Co. ang pagsasagawa ng technical adjustment/modifications sa Dalian trains nang walang inilabas ni isang sentimo ang gobyerno ng Pilipinas.
Bukod sa pakikipag-usap sa supplier, isinama din ng DOTr sa agreement ang technical evaluation and audit na dapat isagawa sa mga Dalian Trains ng isang credible 3rd party consultant, at ito ay ang TUV Rheinland ng Germany.
Ang TUV Rheinland ang namuno at nangasiwa sa RAMS Validation testing. Ito ang nag-certify ng assessment na maaari nang magamit ang mga Dalian Trains pagkatapos ng masusing technical evaluation and testing.
Sa kabuuan, 19 train sets na, kabilang ang 16 CKD train sets, ang unti-unting isinasalang sa linya ng MRT-3 upang mabigyan ng kumportable at maayos na serbisyo ang ating mga kababayan.
Explanation:
practicing tagalog
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.