Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Renasimyento (Renaissance) Ang salitang Renaissance ay hindi na bago, hango ito sa salitang Latin “renovatio” o “ spiritual rebirth.” Nasaad sa Bagong Tipan,( Jesus said to Nicodemus: Verily, verily, I saw unto Thee, Except a man be born again, he cannot see the kingdom of God.” [John3: 3] ). Ano ang ibig sabihin ng Renaissance? Sa salitang Pranses, ito ay nangangahulugang: muling pagsilang o rebirth. Muling pagkamulat, muling pagkabuhay at pagpapanibago o revival. Hindi isang kagyat na rebolusyon ang pagpasok ng Renaissance sa Europa, kundi ito ay isang unti-unting transisyon para matamo ang kanilang pagbabago. Sa panahong ito muling pinatili at pinanumbalik ang mga sinaunang kulturang klasikal ng Gresya at Roma, na nakapagdulot ng sigla sa kaisipan ng Europa at nagbigay daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, at eskultura. Naging inspirasyon din ang Renaissance sa mga mangangalakal dahil naging maunlad ang ekonomiya at sa larangan ng eksplorasyon binigyang sigla ang mga manlalakbay na galugarin ang mundo na kung saan naitatag ang mga bagong imperyo ng Europeong mananakop. Isang panahon sa Renaissance na nabuhay na muli ang interes ng mga mamamayan sa kalikasan ng tao. At mula rito, naglabasan ang mga taong may taglay na kakayahan, kumbaga, “ all the talented people came, for its their time to shine,” Sa kabuuan, ang diwang ito ng kalayaang intelektual ang nagtayo ng tuntungan sa pagpasok ng Renaissance na sumunod sa Panahon ng Karimlan (Dark Ages). Nabuksan ang isipan ng mga tao na gamitin ang kanyang abilidad at talento sa pagtuklas ng mga bagay-bagay at nagresulta ng mga ambag na napakinabangan ng lipunan.
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na maging aktibo at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.