IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Answer:
BALANGKAS
Ginagamit ang balangkas para pagsunod-sunurin ang mahahalagang bahagi ng isang sulatin. Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito upang magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang sulatin.
Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin katulad ng pag-uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon. Matapos makuha ang mga impormasyong kailangan sa iyong ulat ang susunod mong iisipini ay kung alin sa maraming impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa ulat.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mga uri ng Balangkas:
1. Pamaksang Balangkas (topic outline)
Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o pahayag. Madalas ginagamitan ito ng mga pangngalang-diwa (gumagamit ng panlaping makangalan na pag.
2. Pangungusap na Balangkas (sentence outline)
Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya at maynor na ideya.
3. Patalatang Balangkas (paragraph outline)
Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Balangkas:
- Basahin muna nang pahapyaw ang isang tekto bago magtala ng mga paksa o detalye.
- Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos na kronolohikal, mula sa simple patungo sa kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga, malawak na paksa patungo sa mga tiyak na ideya, mga tiyak na ideya patungo sa malawak na paksa o lohikal na ayos at iba pa.
- Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga o pangunahing ideya at ang mga pantulong na ideya.
- Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.
- Sundin ang halimbawa ng pormat ng balangkas na nakalarawan sa teksto.
- Gumamit ng wastong bantas.
- Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung kinakailangan.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Balangkas:
1. Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang bilang Romano tulad ng I, II, III, o IV. Ayusin ang mga bilang nang magkakapantay.
2. Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa pangunahing paksa. Gamitin ang malalaking titik tulad ng A, B, C, o D. Lagyan ng tuldok ang malaking titik at isulat nang may kaunting pasok ang maliit na paksa.
3. Para sa mga detalye ng bawat maliit na paksa, gamitin ang mga bilang na 1,2,3,4 at iba pa.
4. Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangunahing paksa, maliliit na paksa at mga detalye.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pormat sa pag-babalangkas:
( Nasa imahe ang mga pormat; A at B )
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.