Magtanong at makakuha ng maliwanag na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

katangian ng tekstong argumentatib

Sagot :

Answer:

Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay makapaglahad ng katuwiran. Sa tekstong ito, ang manunulat ay kailangang maipagtanggol ang kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan. Kinakailangang may matibay na ebidensya ang manunulat upang mapatunayan ang katotohanan ng kaniyang ipinaglalaban. Ang ilan sa mga ebidensya na pwede niyang gamitin ay sariling karanasan, kasaysayan, kaugnay na mga literatura, at resulta ng empirikal na pananaliksik.

Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusi at maingat na pagkalap ng mga datos o ebidensya. Kapag mayroon ng matibay na ebidensya, ang manunulat ay obligado nang panindigan ang kaniyang panig, maari na rin siyang magsimulang magsulat ng malaman at makabuluhang pangangatwiran. Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas mauunawaan ng mananaliksik ang iba’t-ibang punto de bista na maaring matalakay sa diskurso. Dahil may sapat na rin siyang kaalaman tungkol sa paksa, mas madali na rin para sa kanya ang pumili ng posisyon o papanigan.

Sa tekstong argumentatibo, ang pangangatwiran ay nararapat na maging malinaw at lohikal, kahit pa ang layunin lamang nito ay magpahayag ng opinyon sa isang tiyak na isyu o usapin.