Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

Pagsasanay 1.

Natutukoy ang cohesive devices na ginamit sa teksto. Isulat sa patlang

kung Anapora o Katapora ang tinutukoy ng mga panghalip na nakasulat

nang madiin (bold). Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.

__________1. “Dalhin natin siya sa ospital dali!” ang sigaw ng maliksing si

Doris habang pangko ang matandang lupaypay at tila wala ng

buhay. Isinakay siya sa huling bahagi ng kotse at saka mabilis

nitong pinaandar ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na

ospital. Subalit hindi na umabot nang buhay si Lolo Jose sa

pagamutan.

__________2. Bayani ang mga taong handang tumulong sa

nangangailangan kahit walang hinihintay na kapalit o

magbuwis ng buhay para sa bayan kung kinakailangan. Sila

ay mga karaniwang taong nakagagawa ng hindi

pangkaraniwang kabutihan para sa iba.

__________3. Matamis na maasim ito. Ang may katigasan at kulay lilang

balat ay nagtataglay ng mapuputing hilis na paborito ng

marami hindi lang dahil sa lasa nito kundi maging sa taglay

na sustansiya. Hindi pangkaraniwang prutas ang mangosteen.

__________4. Grab taxi na nga ba ang solusyong dala ng makabagong

teknolohiya para mapadali ang paghahanap ng masasakyan?

Ito ay alternatibo sa nakasanayang de-metrong taxi.

__________5. Malinis at sariwang hangin, isa na nga lang ba itong alaala

sa ating malalaking lungsod?

Pagsasanay 2.

Tukuyin kung substitusyon, elipsis, pang-ugnay o leksikal ang ginamit

na cohesive devices sa mga sumusunod. Gawing gabay ang mga salitang

nakasulat nang madiin (bold) at isulat sa patlang ang sagot.

__________1. Nagbigay ng limang kilong bigas si Jhun. Si Ronnie naman ay

tatlo.

__________2. Naubos ko ang masarap mong baon. Ibibili na lang kita ng

kapalit.

__________3. Nabasa ng mga mag-aaral ang akda. Ang mga mag-aaral na

ito ay natuto sa binasa.

__________4. Nagkasama sa paglalakbay ang magkaibigan. Lalo nilang

nakilala ang isa’t isa sa biyaheng ito.

__________5. Ang mahusay na pagpapaliwanag at pagsasalita ang dahilan

kung bakit nahihikayat makinig ang mga tao sa kaniya. ​