Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

Sa iyong palagay , ano ang dulot ng colonial mentality sa ating bansa?
Pa help po need lang po answer.​


Sagot :

Answer:

.

Uunahin ko muna ang mga masasamang epekto ng pagkakaroon ng mentalidad na ito. Ang unang masamang epekto ay ang pagpapahalaga sa produkto ng ibang bansa kumpara sa produkto ng Pilipinas. Para sa akin, pag ikinumpara ang produktong Pilipino sa produktong Amerikano ay pipiliin ko ang produktong Amerikano. Pipiliin ko ito dahil sa tingin ko ay mas maganda ang kalidad nito kumpara sa produktong Pilipino. Isang halimbawa nito ay ang tsokolate. Mas marami pa ang bumibili ng mga tsokolateng gawa ng Hersheys kumpara sa gawa ng Goya kung sa totoo naman ay parehas lamang ang presyo at ang kalidad nito. Hindi lamang ito nakikita sa mga tsokolate. Pati na rin sa mga sapatos, damit, tsinelas, pagkain, at marami pa ay nakikita ang masamang mentalidad na ito.

Ang pangalawang masamang epekto ay ang rehiliyon. Ang rehiliyong Katoliko ay idinala sa Pilipinas ng mga Kastila. Dahil dito ay pinarusahan ang mga taong hindi Kristiyano noong pinapamahalaan pa tayo ng mga Kastila. Ang rehiliyong Muslim naman ay idinala sa Pilipinas ng mga taong taga “Saudi Arabia”. Dahil sa pagkakaiba ng rehiliyon ay umahon ang pagdidigmaan sa mga taong mayroong iba’t ibang relihiyon. Isang halimbawa ng digmaang ito ay ang nangyari sa Zamboanga. Ang mga hinihinalang Muslim ay ibinihag ang mga Kristiyano at ibang Muslim para lamang gumawa ng gulo at humingi ng pera. Dahil sa digmaang kagaya nito ay nadadamay ang maraming tao. Pati na rin ang gobyerno ay namomoblema tungkol dito.

Ang pangatlong masamang epekto ay ang mas maraming importasyon na dumadating sa bansa kumpara sa mga produktong ipinapadala natin sa ibang bansa. Dahil dito, mas yumayaman ang ibang bansa habang tayo ay mas humihirap dahil mas marami pa ang ibinibili natin kumpara sa ibinebenta natin. Dahil dito ay bumababa ang ating ekonomiya at lalo lamang tayo humihirap. Ang isang dahilan kung bakit hindi tayo nakakapagbenta ng mga produkto sa ibang bansa ay dahil pati tayo mismo ay hindi pinagkakatiwalaan ang ating sariling produkto. Kung hindi natin pinaghahalaga ang ating sariling produkto, paano pa kaya ito mapapahalaga sa ibang bansa?

Pero hindi lamang masasama ang epekto ng pagkakaroon ng mentalidad na ito. Isang halimbawa ng magandang epekto nito ay ang pagkakaroon ng bukas na isip. Dahil nakukuha natin ang iba’t ibang kultura ng ibang bansa ay maikukumpara natin ang mga ito. Maaari nating makuha ang magagandang epekto ng kanilang kultura at magagamit natin ito para sa ikakabuti ng ating bansa. Ito ay ang iginawa ng mga Hapon. Ibinilin nila na pumunta sa ibang bansa ang ibang Hapon upang matutunan ang iba’t ibang mga kultura ng mundo. Dahil dito, napabuti nila ang kanilang sariling kultura at kitang kita pa rin ito sa kanilang pagiging magalang, malinis, at ang matinding pagunlad ng kanilang bansa.

Ang pangalawang magandang epekto ng mentalidad na ito ay ang pakikipagugnayan sa iba’t ibang bansa. Ang paguugnayang ito ay makakapagtulong sa ating ekonomiya dahil maaari tayong humingi ng tulong sa kanila basta lamang ay magbigay din tayo ng tulong. Hindi lang iyon, maaari rin tayong bumukas ng mga negosyo sa kanilang mga bansa. Tataas ang ating ekonomiya dahil maaari rin tayong makipagtransaksyon sa isa’t isa.

Ang huling magandang epekto ay ang paguunlad. Kaya naman talaga ng isang bansa na umunlad gamit lamang ang sarili nito, pero mahihirapan ito. Sa tulong ng ibang bansa ay naniniwala ako na mas mapapabilis ang ating pagunlad. Pero hindi lamang tayo dapat humingi ng tulong, kailngan din nating ibigay ang tulong ito sa ibang bansa na nangangailangan din.